E-Commerce Law

  • 198
    Shares

ANG TEXT MESSAGE, EMAIL AT IBA PANG ELECTRONIC DATA AT DOCUMENTS AY PWEDENG GAMITIN BILANG KONTRATA O EBIDENSIYA NG KONTRATA SA BILIHAN NG MGA PRODUKTO O GAMIT O ARI-ARIAN SA INTERNET O TINATAWAG NA “ONLINE SHOPPING” O “ONLINE TRANSACTION” UNDER REPUBLIC ACT NO. 8972 OTHERWISE KNOWN AS E-COMMERCE LAW.

Marami na ngayon sa Facebook, Instagram, Twitter at iba pang social networking site ang nagbebenta ng mga produkto, goods at ari-arian na kung tawagin ay “online shopping” o “online transactions”. Kung minsan dito ay nabubuo ang mga agreement o kasunduan ng pagpapa-utang o pagsasangla. Karamihan dito ay nagkakaroon ng lokohan, pagtakbo at pagtanggi na may kontratang naganap sa pagitan ng mga magkatransaksiyon sa internet. Ganito ang tanong sa akin ng dalawang readers ng E-Lawyers Online:

“Attorney, may kaibigan po ako na nasa Pilipinas at umutang sa akin ng P100,000. Wala po kaming kasulatan na may utang siya ngunit ito naman ay inamin niya sa kanyang email sa akin. Ang hawak ko lamang ay ang remittance slip at ang mga email. Pwede ko po ba siya idemanda sa korte at singilin? May kontrata po bang nabuo sa pagitan namin”

“Magandang araw sa po sa inyo mr. atorni, ask ko lang po kung may pananagutan po ako sa pinasok ko na transaksyon sa online. May nagustuhan po akong bag sa Instagram sa isang online seller. Nagpost po ako ng reservation ko sa Instagram niya, nagprivate message ako sa kanya na bibilhin ko po yon na complete details ng bag at presyo. Sumagot naman siya na reserved na sa akin at ready for pick-up or delivery sa akin by private message din at may downpayment na P5,000 at kung nag cancel ako ay forfeited na ito at pumayag din ako by private message. Nagpadala po ako ng downpayment. After a week, ayaw ko na po ng bag dahil may nakita akong mas mura, pwede ko ba bawiin ang downpayment ko?”

Ayon sa New Civil Code, Article 1305 – “A contract is a meeting of minds between two persons whereby one binds himself, with respect to the other, to give something or to render some service.” Ang meeting of the minds ay pagkakaroon ng offer at pag accept ng offer ayon sa Article 1319.

Ngunit karamihan sa atin ay hindi natin alam na ang mga text messages, email at iba pang electronic data at electronic documents na pinapadala at pagpapalitan nito ay pwedeng gamitin bilang kontrata na kung tawagin ay “online contracts”. Ang Republic Act No. 8972 known as E-Commerce Law of 2000 ay nagbibigay ng validity sa mga electronic contracts under Section 16 ng batas na ito.

Section 16. Formation of Validity of Electronic Contracts.

(1) Except as otherwise agreed by the parties, an offer, the acceptance of an offer and such other elements required under existing laws for the formation of contracts may be expressed in, demonstrated and proved by means of electronic data messages or electronic documents and no contract shall be denied validity or enforceability on the sole ground that it is in the form of an electronic data message or electronic document, or that any or all of the elements required under existing laws for the formation of contracts is expressed, demonstrated and proved by means of electronic data messages or electronic documents.

Ibig sabihin nito na ang dalawang partidos ay pwedeng gumawa at magkaroon ng kontrata sa pamamagitan ng mga text messages, email at iba pang electronic data at electronic documents na pinapadala at pagpapalitan nito at ito ay pwedeng gamitin sa korte upang ipatupad. Ang mga online contracts sa pamamagitan ng palitan ng text, email at iba pang electronic documents kung saan ang offer at acceptance ay ginawa ay valid contracts kahit walang pirma o signature ang mga gumawa nito.

Ang Supreme Court Administrative Matter No. 01-7-01-SC.- Re: Rules on Electronic Evidence ay nagsasabi na ang email, text or private message ay isang electronic evidence at katumbas ng isang documentary evidence. Kung kaya ang pag-amin ng tao sa isang email, text, chat or private message sa Facebook ay isang electronic evidence na pwedeng gamitin sa korte laban sa nagsend nito at ito ay pwedeng ipresenta sa korte sa pamamagitan ng affidavit of evidence at pagpapakita ng nasabing email, text, chat or private message sa Facebook sa loob ng korte. Ganon din ang mga pictures, video at mga audio recording or chat conversation ay mga electronic evidence din.

Ayon sa Rule 9, Section 1 ng Electronic Evidence Rule, ang pagtanggap at bigat ng electronic evidence ay nasa affidavit evidence ng tao na may direktang kaalaman tungkol dito o based sa mga tunay na tala nito. Kung na-establish ng matatag ng nagpresenta ng electronic evidence ang katunayan ng mga nilalaman nito, ang mga ito ay tatangapin ng korte. Upang magkaroon ng electronic evidence ng isang online contract, ang screen shot ng text, email o chat ay kaagad na gawin.

Kung gusto nyo magtanong ukol sa electronic contract or evidence o kung may tanong tungkol sa documentation, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.

All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.


  • 198
    Shares

Leave a Reply