Masasampahan Pa Ba Nang Kaso Kung Sampung Taon Ng Nakalipas ang Krimen?


“TANONG LANG PO ATTY., MASASAMPAHAN PA RIN BA AKO NG KASO KUNG MORE THAN 10 YEARS NA NAKALIPAS ANG KRIMEN AT HINDI AKO NAKASUHAN DAHIL NASA ABROAD AKO?”

“ATTY., KINASUHAN AKO NG MISIS KO NG CONCUBINAGE PERO HINDI KO PO SINAGOT DAHIL ANG-ABROAD NA AKO. MAGEXPIRE BA ATTY YONG KASO?”

ANG KARAPATAN NA MAGSAMPA NG KASONG KRIMINAL SA KORTE AY NAWAWALA KUNG PINALIPAS ANG MAHABANG PANAHON AT NAGEXPIRE ANG PERIOD NA TINALAGA NG REVISED PENAL CODE SA NASABING KRIMEN NA KUNG TAWAGIN SA BATAS AY PRESCRIPTION OF CRIME OR OFFENSES. ANG PRESCRIPTION OF CRIME AY MAGSISIMULANG MAGBILANG MULA SA PAGKADISKUBRE NG KRIMEN AT ITO AY TITIGIL SA PAGBIBILANG KUNG NASAMPA ANG KASO O KAYA NAG-ABROAD ANG AKUSADO.

Meron reader ng E-Lawyers Online ang nagtanong kung hindi na ba siya makakasuhan ng criminal case kung tumakbo siya sa abroad at matagal na siyang nawala. Ganito ang question ng reader ng E-Lawyers Online:

“May naibenta ako na lupa na hindi sa akin atty, at kinasuhan ako ng estafa at meron ako warrant of arrest. Nag-abroad ako atty ng matagal for 15 years sa Middle East at ngayon ay babalik na sa Pilipinas. Mabubuhay pa ba ang kaso ko o paso na ito? May habol pa ba ang kalaban ko atty?”

Ang kasong kriminal ay dapat isampa agad sa lalong madaling panahon pagkatapos na ito ay ginawa o natuklasan. Ang karapatan na magsampa ng kasong kriminal sa korte ay nawawala kung pinalipas ang mahabang panahon at nag-expire ang period na tinatakda ng batas para sa nasabing krimen. Ang tawag dito ay “prescription of crime” o ang taning na binibigay para maisampa ang kasong kriminal laban sa akusado. Ito ay nasa Article 90 ng Revised Penal Code.

Article 90. Prescription of crime. – Crimes punishable by death, reclusion perpetua or reclusion temporal shall prescribe in twenty years (example: murder, rape).

Crimes punishable by other afflictive penalties shall prescribe in fifteen years (example: homicide, estafa).

Those punishable by a correctional penalty shall prescribe in ten years; with the exception of those punishable by arresto mayor, which shall prescribe in five years (falsification, adultery, concubinage).

The crime of libel or other similar offenses shall prescribe in one year.

The crime of oral defamation and slander by deed shall prescribe in six months.

Light offenses prescribe in two months (unjust vexation, slight physical injuries).

When the penalty fixed by law is a compound one, the highest penalty shall be made the basis of the application of the rules contained in the first, second and third paragraphs of this article. (As amended by RA 4661, approved June 19, 1966).

Sa kaso ng reader na nagtanong sa E-Lawyers Online, ang kasong kriminal ay mananatili at pwede pang isampa o ituloy sa korte dahil hindi tumkabo ang period ng prescription of crime. Sa loob ng 15 years ay siya ay nasa abroad, ang period of prescription ay hindi bibilang kung ang akusado ay nasa labas ng Philippines. Ganun din, hindi bibilang o tatakbo ang period of prescription of crime kung nasampa ang kaso sa piskalya o husgado at ito ay hindi nadismiss o itinigil gawa ng complainant. Ito ay malinaw sa Article 91 ng Revised Penal Code:

Art. 91. Computation of prescription of offenses. — The period of prescription shall commence to run from the day on which the crime is discovered by the offended party, the authorities, or their agents, and shall be interrupted by the filing of the complaint or information, and shall commence to run again when such proceedings terminate without the accused being convicted or acquitted, or are unjustifiably stopped for any reason not imputable to him.

The term of prescription shall not run when the offender is absent from the Philippine Archipelago.

Ang ibig sabihin ng commencement para bilangin ang prescriptive period ay nagsisimula sa pagkadiskubre ng krimen at tumitigil ang bilang kung nasampa ang kaso sa prosecutor office at ito ay bibilang muli kung ito ay tumigil ng hindi dahil sa akusado. Ang period ay hindi bibilang kung ang akusado ay tumakbo at pumunta sa ibang bansa.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa tamang oras ng pagsasampa ng kaso at sa proseso nito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply