May Karapatan Bang Bawiin Sa Kasintahan Ang Perang Pinatabi?


“MAY KARAPATAN KA BA NA BAWIIN ANG PERA NA INIIPON AT PINATABI SA KASINTAHAN MO?” 

ANG PAGTANGGAP NG PERA NG ISANG TAO GALING SA IBANG TAO KUNG SAAN WALA SIYA KARAPATAN NA TUMANGGAP NITO O WALANG OBLIGASYON NA KUNIN ITO AY NAGKAKAROON NA TINATAWAG NA “QUASI-CONTRACT” KUNG SAAN AY BINIBIGYAN NG BATAS NA SINGILIN ANG TINANGGAP NA PERA MULA SA TAONG TUMANGGAP DAHIL SA LEGAL PRINCIPLE LABAN SA “UNJUST ENRICHMENT” O HINDI MAKATARUNGANG PAGKIKINABANG.

Maraming insidente ang nangyayari kung saan ang magkasintahan ay nagiipon ng pampakasal ngunit nauuwi sa hiwalayan at nagkakaroon ng pag-aaway tungkol sa perang naipon nila. Ito ang question ng reader ng E-Lawyers Online:

“Meron po ako girlfriend sa Pilipinas at ako naman ay sa Middle East. For 5 years ay nagpadala ako sa kanya ng pera para ipunin para sa aming wedding pero last na uwi ko ay nadiscover ko atty na may iba pala siya karelasyon. Binabawi ko po yong ipon ko pero ayaw niya ibigay, pwede ko ba siya kasuhan?”

Ang batas sa basic human relations ay nasa New Civil Code at sinasabi dito na ang sinumang tao na nakatanggap ng anumang bagay na wala siyang legal o makatarungang rason ay may obligasyon na ibalik ito dahil ang batas ay pinagbabawal na ang isang tao ay makinabang sa isang bagay na hindi makatarungan sa taong naapektuhan nito.

“Article 22. Every person who through an act of performance by another, or any other means, acquires or comes into possession of something at the expense of the latter without just or legal ground, shall return the same to him.”

Paano kung walang kontrata o nakasulat na kasunduan ang transaksyon sa pagbigay at pagtanggap ng pera o mahalagang bagay, pwede pa rin ba itong bawiin o singilin?

Oo. Dahil ang nasabing transaksyon ay tinatawag na “quasi-contract”. Upang maiwasan ang hindi makatarungang sitwasyon kung saan ang isang tao ay nakatanggap ng isang mahalagang bagay na wala naman siyang karapatan dito, ang batas ay automatic na gumagawa ng isang kontrata kung saan inuutusan nito ang taong tumanggap na ibalik ito sa taong nagbigay. Ayon sa New Civil Code:

Art. 2142. Certain lawful, voluntary and unilateral acts give rise to the juridical relation of quasi-contract to the end that no one shall be unjustly enriched or benefited at the expense of another. 

Ito ang tinatawag na “quasi-contract” kung saan binibigyan ng karapatan ang taong nagbigay sa isang tao ng mahalagang bagay bunga ng pagkakamali.

Article 2154. If something is received when there is no right to demand it, and it was unduly delivered through mistake, the obligation to return it arises. (1895)

Kung ang tao na tumanggap ay hindi niya ito binalik, siya ay pwedeng kasuhan ng kasong sibil at singilin ng danyos at pwede rin na kasong kriminal na Estafa by Abuse of Confidence.

Kung gusto nyo magtanong ukol sa unjust enrichment o kung may tanong tungkol sa documentation, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang linkhttp://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.

All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.


Leave a Reply