May Laban Ba Sa Illegal Dismissal Case Kahit Walang Employment Contract?


“ATTY., WALA PO AKO COMPANY I.D. AT WALA PO AKO EMPLOYMENT CONTRACT, MAY LABAN BA AKO SA ILLEGAL DISMISSAL CASE KO?”

ANG WRITTEN EMPLOYMENT CONTRACT AY HINDI MAHALAGA UPANG PATUNAYAN ANG EMPLOYEE-EMPLOYER RELATIONSHIP DAHIL ITO AY PWEDENG PATUNAYAN NG IBA PANG EVIDENCE. ANG EMPLOYER-EMPLOYEE RELATIONSHIP AY MAKIKITA SA APAT NA MAHALAGANG ASPETO (1) POWER OF SELECTION; (2) POWER OF DIMISSAL; (3) PAYMENT OF WAGES; AT (4) POWER OF CONTROL SA EMPLOYEE NA KUNG SAAN ITO PINAKAMAHALAGA.

May mga kababayan tayo na nagtanong tungkol sa status nila sa mga kumpanyang pinagtratrabahuhan nila kung sila ba ay empleyado o hindi dahil wala daw silang employment contract. Ganito ang tanong ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Atty., mag one year na ako sa kumpanya ko bilang messenger pero hanggang ngayon ay walang contract of employment, kung bigla nila akong tanggalin, masasabi ko bang empleyado ako at makakasuhan ko ba sila?”

Ayon sa Article 280 ng Labor Code of the Philippines, kahit walang kasulatan o kahit may usapan lamang ang mga partido, kung ang isang tao ay nagtratrabaho sa  isang trabaho ay ituturing na regular na kung saan ang mga empleyado ay nakatuon upang maisagawa ang mga gawain na kung saan ay karaniwang kinakailangan o kanais-nais sa karaniwang mga negosyo o pangangalakal ng employer. Kung ang employer ay isang pagawaan ng damit, ang mananahi ay necessary sa ganyan na negosyo.

Maliban na lang kung saan ang mga trabaho ay naayos na para sa isang tiyak na proyekto o pamamahala sa pagkumpleto o pagwawakas ng proyekto na kung saan ay napag-alaman na sa panahon ng pakikipag-ugnayan ng empleyado o kung saan ang mga trabaho o mga serbisyo upang maisagawa ang seasonal employment ay para sa tagal ng panahon. Ito ang tinatawag na project employment tulad ng sa constrcution projects o seasonal employment, tulad ng taga gapas ng tubo sa sugar cane plantation.

An employment shall be deemed to be casual if it is not covered by the preceding paragraph: Provided, That, any employee who has rendered at least one year of service, whether such service is continuous or broken, shall be considered a regular employee with respect to the activity in which he is employed and his employment shall continue while such activity actually exist.

Samakatuwid, hindi mahalaga kung meron o walang employment contract ang isang employee. Kailangan lamang na siya ay nagtratrabaho sa isang kumpanya nakaraniwang kinakailangan o kanais-nais sa karaniwang mga negosyo o pangangalakal ng employer. Maraming paraan para patunayan ang relasyon ng empleyado at ng kanyang employer sa pamamagitan ng company ID, payslip, timecard, HMO card, pagbabayad ng SSS, Pag-ibig at Philhealth, testimonies, pictures at iba pa.

Ayon sa maraming Supreme Court decisions [Bernarte v. Philippine Basketball Association (PBA), supra note 24; Sandigan Savings and Loan Bank, Inc. v. National Labor Relations Commission, 324 Phil. 348, 358 (1996); Sonza v. ABS-CBN Broadcasting Corporation, G.R. No. 138051, June 10, 2004, 431 SCRA 583, 594-595], may apat na batayan ang batas para makita kung may employer-employee relationship o para malaman na ang isang tao ay isang empleyado ng kumpanya:

“In determining the existence of an employer-employee relationship, this Court has generally relied on the four-fold test, to wit: (1) the selection and engagement of the employee; (2) the payment of wages; (3) the power of dismissal; and (4) the employer’s power to control the employee with respect to the means and methods by which the work is to be accomplished. Among the four, the most determinative factor in ascertaining the existence of employeremployee relationship is the “right of control test”.”

Kung gusto nyo magtanong ukol sa illegal dismissal o kailangan nyo ng tulong ukol dito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply