Presumptive Death

  • 389
    Shares

ANG ISANG TAO NA KASAL AY PWEDENG I-DECLARE NG KORTE NA PATAY NA (PRESUMPTIVE DEATH) AT PAYAGAN ANG NAIWANG ASAWA NA MAGPAKASAL MULI KUNG ANG NASABING ASAWA AY NAWAWALA O WALANG BALITA NA BUHAY PA SIYA SA LOOB NG APAT NA TAON. KUNG ANG PAGKAWALA NG TAO AY GAWA NG BAGYO O KALAMIDAD, SAPAT NA ANG DALAWANG TAON NA PAGKAWALA PARA MAIDEKLARA SIYANG PATAY NA.

May nagtatanong sa E-Lawyers Online kung ano ang mangyayari sa mga tao na hindi na nakita dahil sa kalamidad na bagyo o lindol at mga naiwan nilang pamilya at ari-arian. Ang tanong nila ay kung pwede na daw ba siyang magpakasal dahil hindi na naman makita ang nawawala niyang asawa dahil sa nangyaring bagyo o lindol. Ganito ang tanong niya:

“Attorney, magandang hapon po sa inyo diyan. May kaibigan po ako na nasa Hongkong at hiwalay siya sa asawa ngunit hindi annuled pa ng korte so kasal pa sila. Nangyari po ang super typhoon at isa po siya sa mga nawawalang biktima. Considered na po ba na patay na ang asawa niya at pwede na ba siyang magpakasal sa iba?

Ang death o kamatayan ng tao ay may mga legal na epekto at kasama sa epekto ng kamatayan ay ang pagpawalang bisa ng kasal. Ayon sa Article 42 ng New Civil Code, “civil personality is extinguished by death. The effect of death upon the rights and obligations of the deceased is determined by law, by contract and by will.”

Automatic na nawawala ang bisa ng kasal sa pagkamatay ng asawa ngunit ang death o kamatayan ay dapat malinaw at legal. Ang death ay considered na may legal effect kung may narehistro na death certificate ng naayon sa batas. Ngunit kung walang death certificate, ang taong nawawala dahil sa sakuna ay hindi matatawag o maconsider na “dead” kung walang “judicial declaration of presumptive death.”

Ang isang tao na kasal ay pwedeng i-declare ng korte na patay na (presumptive death) at payagan ang naiwang asawa na magpakasal muli kung ang nasabing asawa ay nawawala o walang balita na buhay pa siya sa loob ng apat na taon mula sa huling pagkakakita sa kanya na buhay siya. Ito ang tinatawag na judicial declaration of presumptive death na usually ay napagkakamalan na basehan sa pag-aasawang muli. Ang Article 41 of Family Code ay nagsasaad na ang isang kasal na ginanap habang umiiral ang naunang kasal ay hindi epektibo o null and void. Pero kung ang ikalawang marriage ay ginanap kung saan ang asawa sa unang kasal ay nawawala for four (4) consecutive years at merong matibay na basehan na ang nawawalang asawa ay patay na, ito ay valid subject sa re-appearance ng nawawalang asawa. Ang presumptive death ng nawawalang asawa ay kailangan na i-file sa korte upang mag-issue ito ng judicial declaration of presumptive death. Kung wala ang judicial declaration of presumptive death at nagpakasal kayo, pwede ka makasuhan ng bigamy ng gobyerno o ng ibang tao na may parusang kulong na 6-12 years.

Kung ang pagkawala ay bunga ng paglubog ng sinasakyang barko o pagbagsak ng eroplano, o bunga ng pagiging isang military na sumabak sa military operation, o siya ay abducted or nakidnap at walang balita sa kanya o iba pang situation kung saan mataas na posibilidad ang pagkamatay, two (2) years ay sapat na to declare the presumption of death ng nawawalang asawa.

Kung ang sinumang tao ay nagsumbong o nagsuplong sa otoridad na buhay pa ang nawawalang asawa at nag-submit ng affidavit of reappearance ng nawawalang asawa, ang presumption of death is automatically terminated at ang ikalawang kasal bunga nito ay immediately voided at mawawalang bisa ito, at babalik sa dating relationship ang mag-asawa sa unang kasal.

Kung gusto nyo magtanong ukol sa judicial declaration of presumptive death o kung may tanong tungkol sa documentation, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.

All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.


  • 389
    Shares

Leave a Reply