Pwede Bang Magkasundo Ang Mag-asawa Na Pareho Na Silang Single?

“PWEDE BANG MAGKASUNDO ANG MAG-ASAWA NA PAREHO NA SILANG SINGLE?”

ANG CIVIL STATUS NG ISANG TAO AY HINDI PWEDENG PAGKASUNDUAN O I-COMPROMISE NINUMAN AT ANG ANUMANG NAKASULAT NA KASUNDUAN PARA MABAGO O PALITAN ANG CIVIL STATUS NG ISANG TAO AY VOID AT WALANG BISA SA BATAS.

Marami ang nagtatanong kung pwede ba ang mag-asawa na magpirmahan sa barangay o sa lawyer o sa korte na pumapayag na silang maging single pareho. Ganito ang question ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Atty., napagkasunduan na naming mag-asawa na hindi na magwork marriage namin, kaya meron kami ginawa na agreement na single na kami pareho. Pwede nyo po ba inotarize ito para masubmit namin sa DFA at NSO, magpalit na po kasi ako ng apelyido sa pagkadalaga ko?”

“Matanong ko lang atty na kung pwede ba kami magkasundo ng misis ko na tanggalin na lang ang apelyido ko sa birth cert ng anak namin dahil hindi naman niya pinapakita sa akin anak ko?”

Ayon sa Article 1 ng Family Code, ang kasal o marriage ay importanteng parte ng ating society na ang nature, consequences at incidents ng marriage ay hindi pwedeng pagkasunduan ng mag-asawa except ang kanilang property relations na pwedeng pagkasunduan bago sila ikasal.

Art. 1. Marriage is a special contract of permanent union between a man and a woman entered into in accordance with law for the establishment of conjugal and family life. It is the foundation of the family and an inviolable social institution whose nature, consequences, and incidents are governed by law and not subject to stipulation, except that marriage settlements may fix the property relations during the marriage within the limits provided by this Code. (52a)

Dahil ang marriage ay nakakacreate ng isang civil status, nagiging “married” ang isang tao from “single” na civil status, ito ay hindi basta-basta mababago at hindi ito pwedeng mabago lamang ng isang kasunduan ng dalawang kinasal.

Marahil ay marami na kayo narinig nito, kasunduan ng mag-asawa na wala nang pakialamanan sa isat-isa. Ang ganitong kasunduan regarding sa civil status ng mag-asawa o pagpapalit ng civil status ng mag-asawa ay walang bisa dahil under Article 2035 ng New Civil Code na hindi valid at hindi pwede magkasundo ang mag-asawa o mag compromise o magpirmahan para civil status.

Sinasabi sa Article 2035 ng New Civil Code na: “No compromise upon the following questions shall be valid:

(1) The civil status of persons;
(2) The validity of a marriage or a legal separation;
(3) Any ground for legal separation;
(4) Future support;
(5) The jurisdiction of courts;
(6) Future legitime.

Ang mga sample ng “civil status” ay katulad ng “married, “single”, “legitimate”, “illegitimate”, half-blood o full blood, at iba pa. Ang mga civil status na hindi pwedeng pagkasunduan ay nasa Section 1 ng Act No. 3753 or the Law on Registry of Civil Status.

Section 1. Civil Register. – A civil register is established for recording the civil status of persons, in which shall be entered: (a) births; (b) deaths; (c) marriages; (d) annulments of marriages; (e) divorces; (f) legitimations; (g) adoptions; (h) acknowledgment of natural children; (i) naturalization; and (j) changes of name.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa civil status, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.

Kung gusto niyo naman ng video-chat consultation, magregister sa www.lexmeet.com.

All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *