Pwede Bang Tanggalan Ng Karapatan Sa Ari-arian Ang Asawang Nag-abandona Ng Matagal?

PWEDE KO BANG TANGGALAN NG KARAPATAN NA MAGMANA ANG AKING ASAWA NA NAG-ABANDONA SA AMIN NG MATAGAL? KINAKATAKOT KO PO NA MAKAKAKUHA PA SIYA NG MANA SA AKIN.”

ANG ASAWA NA NANG-ABANDONA AT HINDI NAGSUPORTA SA PAMILYA AY PWEDENG TANGGALAN NG KARAPATAN NA TUMANGGAP NG MANA NG NAAPING ASAWA SA PAMAMAGITAN NG DISINHERITANCE O PAGTATANGGAL NG MANA SA LAST WILL AND TESTAMENT. 

May nagtanong sa E-Lawyers Online kung pwede bang matanggalan ng mana ang asawa kung inabandona na niya ang pamilya niya. Ganito ang question ng isang reader:

“14 years na po kami hiwalay simula ng inabandona kami ng asawa ko. Simula noon ay wala siya suporta? Takot po ako kung mamatay ako atty ay makuha pa niya ang mga pamana ko sa anak ko. Pwede po siya tanggalan ng mana?”

Ang may-asawa na naghihiwalay ng walang annulment of marriage or legal separation at ang epekto nito ay patuloy pa rin na nagbibigay ng karapatan sa bawat isa na magmana o mag inherit sa ari-arian nila. Isa sa proseso ng batas para tanggalan ng karapatan na magmana ang asawang nagloko o nambabae/nanlalaki ay ang proseso ng DISINHERITANCE. Nasa Article 915 na ang sinumang tagapagmana ay pwedeng tanggalan ng kanyang karapatan na magmana bunga ng mga rason na tinatalaga ng batas at ayon sa Article 916, ang “Disinheritance” nagagawa lang sa pamamagitan ng paggawa ng “Huling Kasulatan” o “Last Will and Testament” kung saan ay specify o ilalagay doon ang dahilan ng pagtatangal ng mana ng asawa sa inaping asawa. Kung walang last will and testament at hindi nakasulat doon ang disinheritance o ang reason ng pagtatanggal ng mana, patuloy na magkakaroon ang buhay na asawa na magmana sa namatay na asawa. Ang disinheritance of spouse o ng asawa o ang pagtatanggal ng karapatan na magmana ng asawa sa last will and testament ay based sa grounds na nakalagay sa Article 921 ng New Civil Code.

[1] When the spouse has been convicted of an attempt against the life of the testator, his or her descendants or ascendants;
[2] When the spouse has accused the testator of a crime punishable by imprisonment of six years or more, and the accusation is false;
[3] When the spouse, by fraud, violence, intimidation or undue influence causes the testator to make a will or to change it;
[4] When the spouse has given cause for legal separation;
[5] When the spouse has given grounds for loss of parental authority;
[6] Unjustifiable refusal to support the children or the other spouse.

Karaniwang ground dito ay ang pagbibigay ng “ground ng asawa for legal separation” at “unjustifiable refusal to support the children or the other spouse.”

Ayon sa Article 918 ng New Civil Code, ang mga elemento na kailangan para maging valid ang disinheritance ay:

a) It must be done in a valid will. Ito ay kailangan nakasulat sa notarial will o holographic will;

b) It must be express. Ibig sabihin, malinaw na sinasabi sa will na tinatanggalan siya ng mana;

c) There must be a true cause. Ang reason o dahilan ng pagtatanggal ng mana ay dapat totoo;

d) The cause must be existing. Ang dahilan ng pagtatanggal ng mana ay dapat nagaganap o nangyayari;

e) It must be total and complete. Bawal ang partial o kapirasong pagtatanggal ng mana;

f) The cause must be stated in the will. Ang reason o dahilan ng pagtatanggal ng mana ay nakasulat mismo sa will;

g) The heir disinherited must be identified. Dapat may pangalan sa will ang tinatanggalan ng mana;

h) The will must not have been revoked. Ang last will and testament ay dapat hindi nabawi bago namatay ang asawa.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa disinheritance at kailangan na mga dokumento nito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *