Suspect Nahuli Dahil Sa Tattoo Na Pinost Sa Social Media


Sadyang napakahalaga ng Social Media ngayon, ito ay may kapangyarihan na rin na makasolve ng matagal nang may kaso sa awtoridad.

Isang pinaghihinalaang miembro ng yakuza gang ang naaresto dahil sa post ng netizen sa facebook. Ito ay nangyari sa Lopburi, Thailand.  Ayon sa lumabas na balita, ang nasabing lalaki ay labing limang taon ng pinaghahanap ng awtoridad dahil sa pagpatay sa miembro ng Yamaguchi-gumi na isa sa malaki at malawak na organisasyon sa bansang Japan.

Nakilala ang lalaki na si Shineharu Shirai, 74, siya ay nahuli habang bumibili ng pagkain. Siya ay naging mailap sa mga autoridad sa kabila ng mahabang paghahanap sa kanya. Ayon sa impormasyon, siya ay naging pugante sa batas noong Hulyo 2003 sa saang pagpatay sa kalabang gang  sa Tsu City. Ito ay naninirahan sa Thailand at nag-asawa na doon.

Ang pagkakaaresto sa lalaki ay dahil lamang sa pagpost sa Facebook na kalaunan ay nashare ng iba’t ibang grupo at facebook pages. Umabot sa 14, 155 ang shares nito sa social media. Makikita din na si Shineharu ay nawawala ang pinky finger sa kaliwang kamay na palatandaan ng serious offence sa Japan.

Sa kasalukuyan ito ay nakakulong sa Thailand at nahaharap sa kasong overstaying sa bansang Thailand.

 

 


Leave a Reply