Mababago Pa Ba Ang Pinirmahan Na Kasunduan Sa Suporta Ng Bata?

“MABABAGO MO PA BA ANG PINIRMAHAN NA KASUNDUAN SA SUPORTA NG BATA?”

ANG ANUMANG KASUNDUAN SA FUTURE NA SUPORTA NG BATA AY WALANG BISA UNDER ARTICLE 2035 NG NEW CIVIL CODE. ANG AMOUNT NG SUPORTA NA KAHIT NAKASULAT NA AY PWEDE PA RIN PATAASAN O PABABAAN SA KORTE. ANG AMOUNT NG SUPORTA NA NAPAGKASUNDUAN NG MAGULANG PARA SA PAMILYA AT ANAK O ANG AMOUNT NG SUPORTA NA NAFIX NG KORTE AY ANYTIME AY PWEDENG BAGUHIN AT HINDI PWEDENG MAGING FINAL DAHIL ITO AY PWEDENG LUMAKI O LUMIIT DEPENDE SA FINANCIAL CAPACITY O KAKAYAHAN NG MAGULANG NA MAGSUSUPORTA AT DEPENDE SA PANGANGAILANGAN O NEEDS NG ANAK. 

May nagtanong sa E-Lawyers Online kung pwede bang palakihin ang suporta sa bata kahit meron nang kasunduan sa barangay kung magkano lamang ang dapat ibigay. Ganito ang question ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“May 2 anak po ako atty, ang isa ay elementary at isa ay high school. Hiwalay po ako sa OFW na mister ko at meron kami pirmahan sa barangay na ang suporta niya ay P4,000 per month. Magcollege na po ang panganay namin at humingi ako ng increase pero ang sabi ng mister ko ay kung ano nakasulat yon daw susundin niya at wala daw ako habol. Help us atty, pwede po ba kasuhan siya?”

Marami ka ngayon naririnig tungkol sa pirmahan ng mag-asawa o mag-partner sa barangay tungkol sa pagfix o pagkakasundo sa amount ng suporta na dapat ibigay sa kanilang mga anak. Bagamat nakasulat ang kasunduan na ito, ito ay pwede pa ring baguhin kung hinahanap ng pagkakataon dahil ang amount po ng suporta ay hindi pwede i-fix ng mga magulang sa iisang amount o percentage lamang at anumang compromise agreement dito ay null and void under Article 2035 ng New Civil Code. Sinasabi sa batas under Art. 2035 ng New Civil Code, any compromise on future support shall be void. Dahil ang bawat pamilya ay may kakaibang pangangailangan at kapasidad sa suporta kaya ang batas ay hindi nagfix ng amount ng suporta. Makikita sa Article 201 at 202 ng Family Code na ang amount ng suporta ay nagbabago depende sa kapasidad ng magulang at needs ng susuportahan.

Art. 201. The amount of support, in the cases referred to in Articles 195 and 196, shall be in proportion to the resources or means of the giver and to the necessities of the recipient.

Art. 202. Support in the cases referred to in the preceding article shall be reduced or increased proportionately, according to the reduction or increase of the necessities of the recipient and the resources or means of the person obliged to furnish the same.

Kahit ang desisyon ng korte na i-fix ang amount ng suporta, ang sinusuportahan ay anytime pwedeng bumalik sa korte para itaas ang suporta kung nararapat at ganun din naman ang nagsusuporta, pwede siya bumalik sa korte para pababain ang suporta kung ang capacity at needs ay nararapat sa pagbaba ng suporta. Malinaw ayon sa Article 201 ng Family Code ang suporta o sustento ng magulang sa anak ay depende sa capacity o kakayahan ng magulang at depende sa pangangailangan o necessity ng anak. Nasa Article 202 na ang sustento o suporta sa anak ay pwedeng taasan oh babaan depende sa pag-taas o pag-baba ng kakayahan ng magulang o pangangailangan ng anak.

Kahit pa may pirmahan ng suporta sa barangay ang mag-asawa para sa kanilang anak, ang amount na ito ay pwedeng baguhin kung kinakailangan dahil sa needs ng bata o capacity ng parent. Hindi pwedeng gamitin na depensa ng magulang na may nakasulat na kasunduan sa amount ng suporta sa bata dahil ang nasabing kasunduan ay walang bisa sa batas. Kahit desisyon ng korte sa amount ng suporta sa bata ay hindi rin nagiging final dahil pwede itong baguhin ng korte anytime if may valid and legal reason.

“A judgment for support can never become final, in the sense that it cannot be subject to modification, because the obligation to give support has to depend not only upon varying conditions affecting the ability of the obligor to pay the amount fixed therefor, but also upon the ever changing needs of the beneficiary himself.” [Malabana vs. Abeto, G.R. No. L-48283, October 28, 1942]

Kung walang maganda at legal na dahilan ang isang magulang sa hindi pagbibigay ng suporta sa anak, ito ay isang krimen na “economic abuse. Ang R.A. 9262 otherwise known as Anti-Violence against Women and their Children Act ay nagpaparusa ng kulong sa hindi pagbibigay ng lalaki ng suporta sa kanyang asawa o kinakasamang babae (kalive-in) at kanilang mga anak at ito ay tinatawag na “economic abuse”. Ito ay naiiba sa “psychological abuse” o “physical abuse” na karampatang kaparusahan din. Ang krimen na ito ay applicable sa mag-asawa o magkalive-in, kasal man o hindi, kung saan merong anak sila. Kasama dito ang pagpaparusa sa hindi pagbibigay ng lalaki ng sapat o maayos na suporta sa kanyang asawa o kinakasamang babae at kanilang mga anak.

Ang krimen na ito ay pinaparusahan dahil ito ay isang uri ng “economic abuse” kung saan nalilimitahan at nakokontrol ang malayang paggalaw ng isang babae gawa ng ginagawa ng lalaki. Ang sitwasyong ito ay nakasaad sa Section 4 (e) ng R.A.9262 bilang isang uri ng “economic abuse” na magbibigay ng mental o emosyonal na pagdurusa sa biktima. Ang sinumang asawa o kasamang lalaki ang gumawa nito ay pinaparusahan ng prision correcional (6 months – 6 years imprisonment).

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa suporta o sustento ng magulang o Republic Act No. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Childr, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *