Makakasuhan Ba Ng Cyberliberl Ang Nagpaparinig Sa Facebook?


“MAKAKASUHAN BA NG CYBERLIBEL ANG NAGPAPARINIG SA FACEBOOK?

ANG CYBERLIBEL O ANG PANINIRANG PURI SA INTERNET KATULAD NG POST SA FACEBOOK, TWITTER AT IBA PANG SOCIAL NETWORK AY KAILANGAN NA I-IDENTIFY ANG TAONG SINIRAAN NG PURI O KAHIT HINDI NABANGGIT O NAMENTION ANG PANGALAN NG BIKTIMA KUNG SA KABUUAN NG CIRCUMSTANCES AT EVIDENCE AY SIYA LAMANG ANG TAONG TINUTUKOY SA NASABING POST AND COMMENT AT WALA NANG IBA PA. NGUNIT ANG GENERAL O MALAWAK NA STATEMENT O POST NA PATUNGKOL SA HINDI MA-IDENTIFY NA TAO AY HINDI PWEDENG KASUHAN NG CYBERLIBEL.

Marami ngayon ang nagtatanong tungkol sa “pagpaparinig” ng mga kaaway nila sa Facebook kung pwede ba silang masampahan ng kasong cyber libel. Ganito ang tanong ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Atty., pwede ko ba kasuhan ang nagparinig sa akin sa post niya sa Facebook, sabi niya kasi sa post niya na may kilala siya na estafador na baon sa utang pero grabe daw makaporma akala mo ay mayaman? Nakasagutan ko po kasi siya last month ngayon ay nagpaparinig.”

Ang Cyber Libel ay pinaparusahan sa Section 4 (c) (4) ng “Cybercrime Prevention Act of 2012″ o Republic Act No. 10175 at sinasabi dito na ang cyber libel ay: “The unlawful or prohibited acts of libel as defined in Article 355 of the Revised Penal Code, as amended, committed through a computer system or any other similar means which may be devised in the future.”

Ayon sa Revised Penal Code, Article 353 ang Libel ay isang isinapubliko at malisyosong pagbibintang ng isang krimen, bisyo o depekto o isang aksiyon o hindi pag-aksiyon ng isang tao, kundisyon, status o circumstances kung saan ito ay nadishonor, pagkapahiya at paghamak ng isang tao o korporasyon. Ang libel ay pwedeng macommitt by means of writing, printing, lithography, engraving, radio, phonograph, painting, theatrical exhibition, cinematographic exhibition, or any similar means, shall be punished by prision correccional (6 mon ths and one day to 6 years imprisonment) in its minimum and medium periods or a fine ranging from 200 to 6,000 pesos, or both, in addition to the civil action which may be brought by the offended party.

Ang main evidence ng Cyber Libel ay mismong ang screen shot ng mapanirang post sa publiko na ginawa sa internet at malinaw na makikita dito ang name, date and time kung kailan ito ginawa. Kung kaya ang post, comment o twit na may pagmumura o paninirang puri sa isang tao sa Facebook, Twitter o iba pang social networking sites o internet ay isa pa ring krimen na libelo o “libel”. Ang nasabing post, comment o twit ay isang electronic evidence na tinatanggap na sa korte bilang ebidensiya ng libel at pwede na itong magamit laban sa taong nagpost nito sa internet. Kung may post, comment o twit na may pagmumura o paninirang puri sa isang tao sa Facebook, Twitter o iba pang social networking sites o internet, kumuha ng screen shot ng nasabing post, twit o comment bilang iyong electronic evidence at kumuha ng at least 2 witness na nakabasa nito at nakakaalam ng taong nagpost, nagcomment o nagtwit nito bilang iyong corroborating witnesses.

Ano ba ang mga dapat patunayan na elemento ng cyberlibel?

(a) it must be defamatory o makapanirang puri sa isang tao;

(b) it must be malicious;

(c) it must be given publicity o na-publish o nabasa ng maraming tao o ng publiko; and

(d) the victim must be identifiable.

Paano kung walang pangalan o name ang post na mapanirang puri, pwede pa rin ba ang cyberlibel? Paano ang mga parinig na post sa Facebook?

Ayon sa Ogie Diaz case na nadesisyonan ng Supreme Court na applicable din sa cyberlibel, kailangan na ang biktima ay nabanggit ang name o kaya ay may description ng identity ng biktima o ng mga pangyayari sa kanya kung saan makikilala siya ng publiko na siya ang taong tinutukoy sa malisyosong post. Kung ang post ay general statement at pwedeng maging applicable sa maraming tao na walang kasigurohan na sila nga ang tinitukoy ng malisyosong post, walang matatawag na libelo o cyberlibel.

“The last element of libel is that the victim is identified or identifiable from the contents of the libelous article. In order to maintain a libel suit, it is essential that the victim be identifiable, although it is not necessary that the person be named. It is enough if by intrinsic reference the allusion is apparent or if the publication contains matters of description or reference to facts and circumstances from which others reading the article may know the person alluded to, or if the latter is pointed out by extraneous circumstances so that those knowing such person could and did understand that he was the person referred to. x x x Kunkle v. Cablenews-American and Lyons laid the rule that this requirement is complied with where a third person recognized or could identify the party vilified in the article.” [Ogie Diaz vs. People, G.R. No. 159787, May 25, 2007]

Sinabi pa sa nasabing Supreme Court case na kung matutukoy ng ibang tao ang nasabing tao sa article na siya nga ang pinapatamaan dito, masasabi na merong sapat na identification ng victim sa libelous post. Ngunit kung hindi matukoy ng ibang tao ang pinapatamaan sa post, ito ay hindi libel or cyberlibel. Ang test upang malaman kung na-identify ba ang victim sa libelous post ay kung, sa pagbasa nito, taking into consideration ang description ng tao, ang mga pangyayari na nakwento sa post, ay isa lamang ang tinutukoy nito at wala nang iba pa. Kung nasagot ang tanong na ito, ang post ay hindi lamang isang parinig ngunti isang krimen na cyberlibel or libel.

Kung gusto nyo magtanong ukol sa cyber libel o internet libel or electronic evidence register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply