May Iba Pa Bang Way Para Mapawalang Bisa Ang Kasal Bukod Sa Annulment of Marriage Sa Pilipinas?

 

“MAY IBA PA BANG WAY PARA MAPAWALANG BISA ANG KASAL BUKOD SA ANNULMENT OF MARRIAGE?”

ANG BISA NG KASAL AY NAWAWALA SA APAT NA PAMAMARAAN LAMANG AT ISA NA DITO ANG FINAL NA DECISION NG ANNULMENT OF MARRIAGE O DECLARATION OF NULLITY OF MARRIAGE NG KORTE NA NAG-UUTOS NG PAGPAPAWALANG BISA NG KASAL. ANG PAGKAMATAY NG ASAWA AY AUTOMATIC NA NAWAWALA ANG BISA NG KASAL AT GANUN DIN ANG IKALAWANG KASAL AY AUTOMATIC NA NAWAWALA ANG BISA SA PAGREHISTRO NG AFFIDAVIT OF RE-APPEARANCE NG NAWAWALANG ASAWA NA PINADEKLARANG PATAY NA SA PROSESONG JUDICIAL DECLARATION OF PRESUMPTIVE DEATH SA KORTE. ANG FINAL NA DECISION NG KORTE SA JUDICIAL RECOGNITION OF FOREIGN DIVORCE NG KORTE AY NAGBIBIGAY DIN NG KARAPATAN SA FILIPINO NA ASAWA NA MAG-ASAWANG MULI. WALA NANG IBA PANG PARAAN SA BATAS ANG NAGPAPAWALA NG BISA NG KASAL BUKOD SA APAT NA ITO.

Marami ang nagtatanong sa E-Lawyers Online kung may iba pa bang paraan bukod sa annulment of marriage para mapawalang bisa ang kasal. Meron nga ba? Ganito ang tanong ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Dito po ako atty sa Europe and gusto ko po itanong kung bukod sa annulment of marriage ay meron pa bang ibang way para maging single na ako at magamit ko na apelyido ko sa pagkadalaga? Ok ba yong suggestion sa akin na ipahugot ko daw marriage contract sa NSO?”

Malinaw sa Article 1 ng Family Code na ang nature, consequence at incidents ng marriage ay governed by law. Ibig sabihin, mawawala lamang ang bisa ng kasal sa pamamagitan ng mga grounds na nasa batas at hindi pwedeng sa kagustuhan lamang ng kinasal.

Art. 1. Marriage is a special contract of permanent union between a man and a woman entered into in accordance with law for the establishment of conjugal and family life. It is the foundation of the family and an inviolable social institution whose nature, consequences, and incidents are governed by law and not subject to stipulation, except that marriage settlements may fix the property relations during the marriage within the limits provided by this Code. (52a)

Ano ba ang mga pamamaraan sa batas na nawawala ang bisa ng kasal?

May apat (4) na pamamaraan sa batas na nawawala ang bisa ng kasal at ang mga ito ay may kani=kaniyang proseso:

1) Nasa batas na automatic na nawawala ang bisa ng kasal in case of death or kamatayan ng asawa. Kahit kinabukasan pagkamatay ng kanyang asawa, siya ay pwede nang magpakasal muli ngunit kailangan lamang niya magpresenta sa Local Civil Registrar ng death certificate ng asawa ayon sa Article 13 ng Family Code.

2) Nawawala ang bisa ng kasal kung may final decision na rehistrado sa Local Civil Registrar ang korte sa annulment of marriage o declaration of nullity of marriage. Kailangan muna na irehistro ay final na decision ng korte ayon sa Article 52 ng Family Code. Otherwise, hindi magiging void ang ikalawang kasal if kinasal ng hindi ito rehistrado.

3) In case of 2nd marriage by reason ng declaration ng presumptive death ng absent spouse, ay automatic na nawawala ang bisa ng 2nd marriage sa recording o pagtatala ng absent spouse ng kanyang affidavit of reappearance sa local civil registrar.

4) Kung ang kasal ay between a foreigner and a Filipino at nadivorce ng foreigner ang Filipino, ang Filipino ay magkakaroon ng kakayahang mag-asawa muli kung may final na decision ang korte sa Pilipinas sa kanyang judicial recognition of foreign divorce.

Wala nang iba pang paraan sa batas bukod sa apat na nabanggit upang pawalang bisa ang kasal. Kung ang ikalawang kasal ay naganap ng hindi nangyayari ang isa sa mga apat na paraan na pagpapawalang bisa ng kasal, ang ikalawang kasal ay void o walang bisa at pwedeng kasuhan ng krimen na bigamy.

Ang paghugot ng record ng marriage contract sa PSA/NSO, matagal na hiwalay o matagal na walang komunikasyon ng mag-asawa, pagpapalit ng relihiyon, pagkakaroon ng kanya-kanyang pamilya ang mag-asawa, pagpipirmahan ng mag-asawa na wala na silang pakialam sa isat-isa at iba pa ay hindi nakakawalang bisa ng kasal at mananatiling may bisa ang kasal nila. Kung kaya ang tao na may una pang kasal na nagpakasal ng ikalawa ay pwedeng ihabla ng bigamy. Ang bigamy ay isang criminal offense kung saan pinaparusahan ang pagpapakasal ng ikalawang beses na hindi napapawalang bisa ang unang kasal sa isang annulment case. Ito ay nakasaad sa Article 349 ng Revised Penal Code “the penalty of prision mayor (from six years and one day to twelve years imprisonment) shall be imposed upon any person who shall contract a second or subsequent marriage before the former marriage has been legally dissolved, or before the absent spouse has been declared presumptively dead by means of a judgment rendered in the proper proceedings.”

Kung gusto nyo magtanong ukol sa annulment of marriage o kung may tanong tungkol sa documentation, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.

All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *