Paalala Sa Mga Gustong Mapasama Sa Amnesty ng Kuwait Government


Narito ang mga kailangan tandaan para makaavail ng Amnesty Program ng bansang Kuwait.

  1. Magpatala o magarehistro sa embahada.
  2. Mag fill up ng aplikasyon para sa travel documents, 6 na piraso n inyong larawan, (passport size) na kulay asul ang background, kopya ng pasaporte, at kopya ng civil ID o Iqama.
  3. Ang travel documents ay dadalhin sa Immigration Department para malaman kung meron pang ibang kaso, maliban sa pagtakas, overstay, o expired visa.
  4. Kung wala ng iba pang kaso maliban sa nabanggit, magbibigay ng clearance o pahintulutan ng Immigrationg Department para makauwi ng Pilipinas
  5. Tatawag ang Embahada kung may clearance  o pahintulot na.
  6. Pumunta sa embahada sa oras na itinakda para sa iyong pag-uwi sa Pilipinas dala ang mga bagahe.
  7. Dalawang piraso ng bagahe na may timbang na 23 kls bawat isa at isang hand- carry na bagahe na may timbang na 7 kls lamang ang pinahihintulutan ng airlines.
  8. Gumawa ng sinumpaang salaysay (affidavit) na nagsasaad na humuhingi ng tulong sa gobyerno ng Pilipinas para mapagkalooban ng libreng ticket
  9. Mula embahada, mayroong mga uupahang bus na masasakyan patungo o papunta sa airport. Ang mga bagahe naman ay isasakay sa mga truck o pick up.

Ang embahada ay mamimigay ng tubig o inumin at pagkain sa mga uuwi ng maaari ninyongkainin papunta o habang nag aantay ng eroplano. Ang Amnesty Program ng bansang Kuwait ay hanggang April 22, 2018.

Dapat tandaan na libre  o walang bayad ang mga sumusunod

  1. Travel Document
  2. Affidavit o sinumpaang salaysay
  3. Plane Ticket

Mga Mahahalagang Paalala tungkol sa Amnesty.

1. Ang bagong patakaran ng Kuwait tungkol sa Amnesty, lahat ng may absconding case at walang iqama o expired residency ay pwedeng magapply ng amnesty at hindi na ibablacklist o ibaban sa kuwait.. ibig sabihin maari pang makabalik sa kuwait.

2. Ang mga nagnanais humingi ng release o magbayad ng karama ay hinihikayat na huwag ng pumunta ng embahada dahil nakatutok po ang mga embassy staff sa pag aasikaso sa mga uuwing OFWs thru amnesty, ang inyo inyong employer ang dapat nakakaalam kung paano maayos ang inyong papeles.

3. lahat po ng magaavail ng amnesty sa embassy ay ililibre ng ticket ngunit dapat sumunod sa prosesong ipinatutupad ng embassy para sa kaayusan. Libre po ang travel document at walang anumang bayad ang mga papeles na ibinibigay ng embassy.

4. Pinaalalahanan na huwag ng tumawag o pumunta sa embassy para magfollow up , ang embahada po ang tatawag sa inyo ayon sa naibigay ninyong contact number.

5. Nagbabala na rin po ang Ministry na ang sinumang walang papeles na hindi umuwi sa pamamagitan ng amnesty ay huhulihin at ang mahuling kumukupkop sa mga illegal ay papatawan ng malaking multa o penalty at maaring madeport.

6. Ang amnesty po ay matatapos sa April 22, 2018

7. Wala pong shelter para sa mga takas o ranaway na namalagi na sa labas 48 hours pagkatapos nilang umalis sa employer o kung tawagin ay long time ranaway.kaya magmadali na magpalista sa embahada para magavail ng amnesty

Source: Philippine Embassy in Kuwait

 


Leave a Reply