Pwede Bang Kasuhan Ang Online Seller Na Nagpost Ng Name at Bank Account ng Customer?

“PWEDE KO BA SAMPAHAN NG KASO ATTY. ANG ONLINE SELLER NA NAG-POST NG NAME KO AT BANK ACCOUNT DETAILS KO SA FACEBOOK?”

ANG SINUMANG TAO AY MAY OBLIGASYON NA GAWING CONFIDENTIAL AT HINDI ISAPUBLIKO O IBIGAY ANG ANUMANG PERSONAL INFORMATION NG SINUMANG TAO NA NAKUHA SA KANILA BILANG PARTE NG TRANSAKSYON SA INTERNET. ANG PAG-DISCLOSE NG ANUMANG PERSONAL INFORMATION NG WALANG CONSENT AY ISANG KRIMEN AT PAGLABAG SA DATA PRIVACY ACT OF 2012 UNDER REPUBLIC ACT NO. 10173 NA MAY PARUSANG KULONG. 

Marami ngayon ang gumagamit ng internet sa pagbili ng produkto o serbisyo at sa prosesong ito ay nagbibigay tayo ng mga sensitibong personal information. Paano kung ang personal information mo ay isinapubliko ng isang online seller na binilhan mo? May kaso ba ito? Ganito ang problem ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Atty., bumili po ako ng beauty product sa isang online seller at nagreklamo ako dahil kulang padala niya. Gumanti siya sa pamamagitan ng pagpost niya sa Facebook at Instagram ang name cel ko at address ko at sinabi niya na huwag ako bentahan, pwede ko ba siya kasuhan?”

“Meron po ako atty na upline sa networking at nagpost ng tseke na natanggap ko ng walang paalam sa akin. Pwede ko ba siya kasuhan?”

Ang Republic Act No. 10173 o ang Data Privacy Act of 2012 ng Pilipinas ang nagreregulate sa paggamit natin ng internet at pagprotekta ng mga personal information ng mga tao na nakakasalamuha natin sa internet. Dahil mahalaga ang privacy ng lahat ng tao, ang nasabing batas ay naguutos na ang anumang inpormasyon na makuha ng sinumang tao sa internet kung saan ay nabigyan siya ngpersonal information o sensitive information ng ibang tao katulad ng name, address, contact numbers, bank details at iba pa, ay kailangan gawin itong confidential at hindi dapat isapubliko. Hindi dapat ito ipasa o ibigay kahit kanino.

Ayon sa RA 10173, ang personal information ay anumang data na pag pinagsama-sama ay ma-identify ang isang tao tulad ng name, address, age, status at iba pa.

(g) Personal information refers to any information whether recorded in a material form or not, from which the identity of an individual is apparent or can be reasonably and directly ascertained by the entity holding the information, or when put together with other information would directly and certainly identify an individual.

Ang sinumang tao na magviolate ng obligation of confidentiality ng mga personal information at i-disclose ito sa publiko ay may parusang kulong ayon sa Section 32 ng R.A. 10173, to wit:

Section 32. Unauthorized Disclosure. – (a) Any personal information controller or personal information processor or any of its officials, employees or agents, who discloses to a third party personal information not covered by the immediately preceding section without the consent of the data subject, shall he subject to imprisonment ranging from one (1) year to three (3) years and a fine of not less than Five hundred thousand pesos (Php500,000.00) but not more than One million pesos (Php1,000,000.00).

(b) Any personal information controller or personal information processor or any of its officials, employees or agents, who discloses to a third party sensitive personal information not covered by the immediately preceding section without the consent of the data subject, shall be subject to imprisonment ranging from three (3) years to five (5) years and a fine of not less than Five hundred thousand pesos (Php500,000.00) but not more than Two million pesos (Php2,000,000.00).

Kung gusto nyo magtanong ukol sa violation ng Data Privacy Law, Cybercrime or electronic evidence register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.

Kung gusto niyo naman ng video-chat consultation, magregister sa www.lexmeet.com.

All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *