Pwede Bang MagDivorce Dahil Nagconvert Ng Ibang Relihiyon?


 

“ATTY., KASAL PO KAMI SA SIMBAHAN SA PILIPINAS, PWEDE BA KAMI MAG-DIVORCE DAHIL NAG-CONVERT NA PO KAMI SA RELIHIYONG ISLAM?”

ANG MGA MUSLIM LAMANG ANG MAY BATAS NG DIVORCE SA PILIPINAS AT ITO AY APPLICABLE LAMANG SA KASAL NA PAREHONG MUSLIM O KAYA AY ANG ISANG PARTIDO AY LALAKING MUSLIM AT ANG KASAL AY GINAWA UNDER MUSLIM LAW O NAAYON SA PRESIDENTIAL DECREE NO. 1083 OTHERWISE KNOWN AS THE “CODE OF MUSLIM PERSONAL LAWS OF THE PHILIPPINES.” KUNG HINDI KINASAL UNDER MUSLIM LAW AT ANG ISA AY HINDI MUSLIM, ANG DIVORCE AY HINDI PWEDENG GAMITIN UNDER P.D. 1083 DAHIL ANG PAGPAPAWALANG BISA NG KANILANG KASAL AY NASASAKOP NG NEW CIVIL CODE O FAMILY CODE.

Maraming reader ng E-Lawyers Online ang nagtatanong tungkol sa Muslim divorce at kung ano ang involved na legalidad para dito. Ganito ang question ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Atty., gusto ko lang po malaman kung legal ba gagawin namin na divorce sa Sharia court sa Middle East. Kami po ay kinasal sa Katoliko at nag-abroad at tumira dito sa Middle East. Nag-convert po kami under Balik Islam program pero nagdecide po na maghiwalay. Ano po ba dapat?

Ang general rule sa marriage law ng Pilipinas ay hindi pwede ang divorce sa Pilipinas dahil wala tayong batas dito. Hindi legal o hindi valid ang divorce na kinuha ng mga Filipino na nasa abroad. Nasa Article 15 ng New Civil Code natin na “laws relating to family rights and duties, or to the status, condition and legal capacity of persons are binding upon citizens of the Philippines, even though living abroad. Ibig sabihin, kahit nasaan ka mang panig ng mundo, kung ang status mo sa Pilipinas o bilang Filipino ay “married” considered na married ka pa rin at Philippine courts lang ang pwede magpawalang bisa ng kasal mo.

Wala tayong batas sa Pilipinas na pinapayagan ang divorce except kung ang divorce ay kinuha ng isang foreigner laban sa kanyang Filipinong asawa at ang nasabing divorce ay valid sa bansa ng foreigner ayon sa Article 26 ng Family Code. Kung nangyari ito, ang Filipina ay pinapayagan na mag-asawang muli pagkatapos iparecognize sa Phil. Court ang nasabing divorce.

Bilang exception, ang Presidential Decree No. 1083 otherwise known as the “Code of Muslim Personal Laws of the Philippines” ay may batas ng divorce ngunit ang divorce law na ito ay applicable lamang kung ang kasal ay ginanap sa parehong Muslim o ang lalaking kinasal ay isang Muslim at ang kasal ay ginanap under Muslim law o under P.D. 1083 ayon sa Article 13 nito na nagsasabi:

(1) The provisions of this Title shall apply to marriage and divorce wherein both parties are Muslims, or wherein only the male party is a Muslim and the marriage is solemnized in accordance with Muslim law or this Code in any part of the Philippines.

(2) In case of marriage between a Muslim and a non-Muslim, solemnized not in accordance with Muslim law or this Code, the Civil Code of the Philippines shall apply.

Ang divorce law under P.D. 1083 ay hindi applicable kung ang kasal ay ginanap sa pari, ministro, judge o Mayor o kaya sa kasal sa pagitan ng babaeng Muslim at lalaking hindi Muslim. Kung kaya hindi divorce ang remedy kundi annulment of marriage o declaration of nullity of marriage sa korte. Ang mga ground sa divorce ay nasa Article 45 ng P.D. 1083: Article 45. Definition and forms. Divorce is the formal dissolution of the marriage bond in accordance with this Code to be granted only after the exhaustion of all possible means of reconciliation between the spouses. It may be effected by:

(a) Repudiation of the wife by the husband (talaq);
(b) Vow of continence by the husband (ila);
(c) Injurious assanilation of the wife by the husband (zihar);
(d) Acts of imprecation (li’an);
(e) Redemption by the wife (khul’);
(f) Exercise by the wife of the delegated right to repudiate (tafwld); or
(g) Judicial decree (faskh).

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa kasal, annulment of marriage at ang tamang proseso nito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply