Legal Ba Ang Transaction Kung Sa Ahente Lamang Nabili Ang Property?


“ATTY., MAY BINEBENTA SA AKIN NA LUPA NA PAG-AARI NG KANYANG ANAK, PINABEBENTA DAW SA KANYA. SAFE BA AKO ATTY. KUNG ANG TATAY NIYA LANG, SIYA LAMANG PIPIRMA SA DEED OF SALE?”

ANG PAGBEBENTA NG LUPA O ANUMANG INTERES SA LUPA SA PAMAMAGITAN NG ISANG REPRESENTATIVE O AHENTE NG MAY-ARI NG LUPA AY KAILANGAN NA MAY NAKASULAT NA AUTHORITY TO SELL. USUALLY, ANG NASABING LEGAL NA DOKUMENTO AY TINATAWAG NA SPECIAL POWER OF ATTORNEY. ANG PAGBIBIGAY NG SPECIAL POWER OF ATTORNEY (SPA) SA ISANG TAO AY PAGBIBIGAY NG KARAPATAN NA GAWIN ANG MGA BAGAY NA NAKALAGAY SA NASABING DOKUMENT AT ITO AY MAYROON NA LEGAL NA EPEKTO NA HINDI NA PWEDENG MABAWI PAG NAGAWA NA ANG MGA ITO. 

Marami ang nagtanong sa E-Lawyers Online tungkol sa issue ng bentahan ng lupa. Ano gagawin mo kung may nagbebenta sa iyo ng lupa na hindi niya pag-aari at sinasabi niya siya ay authorized na magbenta? Ganito ang question ng isang reader:

“May kaibigan ako atty na nag-alok ng lupa ng kapatid niya. Pinabebenta daw sa kanya dahil need nila ng pera. Dahil sa tiwala, pumayag po ako atty at nagbayad at pinapirma ko ang kaibigan ko sa deed of sale dahil sabi niya ang kapatid niya ay nasa abroad. Ngayon po binabawi ng kapatid niya, pwede ba namin gamitin ang deed of sale sa korte?”

Ang pagbebenta ng lupa ay isang maselang transakyon na maraming requirement ang batas para maging valid at may bisa. Ang isang lupa ay pwede lamang ibenta ng tao na nagmamay-ari nito at wala nang iba pa unless meron siyang agent o authorized representative para ibenta ito. Sapat na ba verbal na authority mula sa may-ari para maibenta ng agent o representative ang lupa?

Hindi. Ayon sa Article 1874 ng New Civil Code, ang pagbebenta ng lupa o anumang interest dito sa pamamagitan ng ahente o representative, ang authority o kapangyarihan na magbenta nito ay dapat nakasalulat. Kung ang nasabing authority na ibenta ang lupa ay hindi nakasulat, ang anumang bentahan ay null and void o walang bisa.

Art. 1874. When a sale of a piece of land or any interest therein is through an agent, the authority of the latter shall be in writing; otherwise, the sale shall be void.

Ang usual na ginagamit na legal na dokumento sa bentahan ng lupa sa pamamagitan ng agent o representative ay ang Special Power of Attorney. Ang Special Power of Attorney (SPA) ay isang legal na dokumento na ginagawa ng isang tao na nasa malayong lugar katulad ng OFW o nasa abroad at ito ay nagbibigay ng authority, power at right sa isang tao upang asikasuhin at gawin ang mga bagay bagay na importante o pirmahan ang mga dokumento na importante sa Pilipinas. Ang lahat ng mga ginawa o pinirmahan ng nasabing tao na binigyan ng SPA ay magiging epektibo sa taong nagbigay nito kung kayat maselan ang paggawa dapat nito. Kung ang SPA naman ay nagbigay ng karapatan sa isang tao na ibenta ang lupa, isangla o umutang under sa kanyang pangalan, ang nasabing transaksiyon ay may epekto at may bisa kahit hindi pumirma ang tunay na may-ari ng lupa dahil ang pirma ng binigyan ng SPA ay considered pirma na rin ng may-ari.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa paggawa ng SPA o sa mga mahalagang epekto nito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply