Maaari Na Bang Magfile Ng Divorce Sa Pilipinas Dahil Naipasa Na Ito Sa House of Representative?

“ATTY., PWEDE NA BA AKONG MAG-FILE NG DIVORCE SA PILIPINAS DAHIL NA-IPASA NA DAW SA HOUSE OF REPRESENTATIVE ANG HOUSE BILL SA ABSOLUTE DIVORCE?”

ANG HOUSE BILL AY ANG UNANG HAKBANG PARA ITO AY MAGING BATAS NGUNIT ITO AY HINDI PA MATATAWAG NA BATAS. ANG HOUSE BILL NA PINASA AT NAAPROBAHAN SA HOUSE OF REPRESENTATIVES AY KAILANGAN DUMAAN AT APROBAHAN NG SENADO AT NG PANGULO NG PILIPINAS BAGO ITO AY MAGING BATAS. KAILANGAN DIN NA ANG NAPIRMAHAN NA BATAS AY IPUBLISH SA DALAWANG NEWSPAPER OF GENERAL CIRCULATION AT OFFICIAL GAZZETTE PARA MAGING EPEKTIBO.

Ayon sa balita na may ipinasa na sa committee level ng House of Representatives na substitute bill for House Bills 116, 1062, 2380 and 6027, filed by Representatives Edcel Lagman, Robert “Ace” Barbers, Emmi de Jesus, and Teddy Brawner Baguilat Jr. na bagong title na bill na “An Act Providing for Absolute Divorce and Dissolution of Marriage in the Philippines.” Marami ang nagtanong sa E-Lawyers Online kung ang House Bill na ito ay pwede nang gamitin para magfile ng divorce sa Pilipinas, ito ang tanong:

“Meron po lumabas atty na balita na na-aprobahan na ang House Bill para sa divorce sa Pilipinas. Ibig sabihin po ba na pwede na kami magfile ng divorce sa Pilipinas ngayon?”

Ang House Bill ng na-aprobahan sa House of Representatives – Committee Level o ang substitute bill for House Bills 116, 1062, 2380 and 6027, filed by Representatives Edcel Lagman, Robert “Ace” Barbers, Emmi de Jesus, and Teddy Brawner Baguilat Jr. na bagong title na bill na “An Act Providing for Absolute Divorce and Dissolution of Marriage in the Philippines” ay hindi pa batas dahil ito ay first step lamang para gawin itong batas. Nasa Article VI ng 1987 Consitution kung paano nagiging batas ang isang House Bill.

Ang draft ng batas ay nagsisimula sa House of Representative kung saan ang mga congressman ay nagdedebate para sa nasabing proposed na batas sa Committee Level at kailangan ito ay pumasa sa tatlong beses na pagbasa at may botong 2/3 ng mga miyembro nito. After ang House Bill ay makapasa sa 3rd reading, ito ay i-aakyat sa Senado kung saan ito ay pagdedebatihan din at pagbobotohan at aaprobahan ng 2/3 ng mga miyembro nito. After ito ma-aprobahan ng dalawang sangay ng Kongreso, saka ito ipapadala sa Presidente ng Pilipinas para pirmahan. Kung ito ay naaprobahan ng Presidente, ito ay ipapublish sa dalawang newspaper of general circulation at Official Gazette at ito ay magiging epektibo 15 days after such publication.

SECTION 24. All appropriation, revenue or tariff bills, bills authorizing increase of the public debt, bills of local application, and private bills shall originate exclusively in the House of Representatives, but the Senate may propose or concur with amendments.

SECTION 26. (1) Every bill passed by the Congress shall embrace only one subject which shall be expressed in the title thereof.

(2) No bill passed by either House shall become a law unless it has passed three readings on separate days, and printed copies thereof in its final form have been distributed to its Members three days before its passage, except when the President certifies to the necessity of its immediate enactment to meet a public calamity or emergency. Upon the last reading of a bill, no amendment thereto shall be allowed, and the vote thereon shall be taken immediately thereafter, and the yeas and nays entered in the Journal.

SECTION 27. (1) Every bill passed by the Congress shall, before it becomes a law, be presented to the President. If he approves the same, he shall sign it; otherwise, he shall veto it and return the same with his objections to the House where it originated, which shall enter the objections at large in its Journal and proceed to reconsider it. If, after such reconsideration, two-thirds of all the Members of such House shall agree to pass the bill, it shall be sent, together with the objections, to the other House by which it shall likewise be reconsidered, and if approved by two-thirds of all the Members of that House, it shall become a law. In all such cases, the votes of each House shall be determined by yeas or nays, and the names of the Members voting for or against shall be entered in its Journal. The President shall communicate his veto of any bill to the House where it originated within thirty days after the date of receipt thereof; otherwise, it shall become a law as if he had signed it.

(2) The President shall have the power to veto any particular item or items in an appropriation, revenue, or tariff bill, but the veto shall not affect the item or items to which he does not object.

Kung magkakaroon naman ng House Bill for Absolute Divorce para sa mga Filipino, ito ay kailangan din na dumaan sa nasabing proseso sa Kongreso.

Kung na-approbahan na ng Pangulo ang divorce law at napublish na sa newspaper of general circulation, pwede ka na ba magfile ng divorce sa korte kaagad?

Hindi. Dahil ang proposed divorce law ay nangangailangan ng pag-amend ng batas, ang proseso nito sa korte ay dapat ding baguhin at mag-issue ng bagong rules of procedure para sa pagkuha ng divorce. Ayon sa Section 5 (5) ng Article VIII ng 1987 Constitution, ang Supreme Court lamang ang may power na gumawa ng rules ng proseso na susundin sa korte”

Section 5. The Supreme Court shall have the following powers: (5) Promulgate rules concerning the protection and enforcement of constitutional rights, pleading, practice, and procedure in all courts, the admission to the practice of law, the integrated bar, and legal assistance to the under-privileged. Such rules shall provide a simplified and inexpensive procedure for the speedy disposition of cases, shall be uniform for all courts of the same grade, and shall not diminish, increase, or modify substantive rights. Rules of procedure of special courts and quasi-judicial bodies shall remain effective unless disapproved by the Supreme Court.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa divorce o annulment at kailangan na mga dokumento nito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *