Pwede Pa Bang Ipa-Refund Ang Reservation Fee?

“ATTY., PWEDE KO BA IPA-REFUND ANG RESERVATION FEE SA CONDO UNIT NA BALAK KO BILHIN?

ANG RESERVATION FEE AY ISANG URI NG OPTION MONEY KUNG SAAN ANG BUYER NG HOUSE AND LOT OR CONDOMINIUM UNIT AY BINIBIGYAN NG KARAPATAN NA I-RESERVE ANG NASABING PROPERTY SA KANYA FOR A CERTAIN PERIOD OF TIME AT HINDI IBENTA SA IBANG TAO ITO HABANG INAAYOS ANG PAGBABAYAD NG PURCHASE PRICE. ANG RESERVATION FEE AY KABAYARAN PARA SA KARAPATAN NA I-RESERVE AT HINDI ITO PWEDE I-REFUND KUNG HINDI MATULOY ANG PAGBILI O HINDI PWEDENG MAGING PARTE NG PURCHASE PRICE.

Marami ngayon ang nayayayang bumili ng house and lot o condominium unit sa mga developers ng installment under a Contract to Sell arrangement at usually ay pinagbabayad sila ng reservation fee. Pwede mo ba ito marefund if hindi mo na ito natuloy bayaran? Ganito ang problem ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Hi Atty., Im an OFW and I recently reserved ng isang condo unit sa Manila for P30,000. However, I decided to buy in another condo project and I requested the agent na iparefund ang P30,000.00. May laban ba ako atty? Thanks!”

Ang Reservation Agreement ay isang kasunduan ng buyer ng real property at ng seller/developer kung saan, in consideration of the payment of the “reservation fee” by the buyer, nirereserve ng seller ang property for a certain period para makapag-arrange ng payment ang buyer sa purchase price at ang nasabing seller ay binabawalan na ibenta sa ibang tao ang property within the said period. Ang reservation fee ay bayad para sa pagpapareserve ng property at hindi bayad para sa property. Ito ay tinatawag na “option money” kung saan hindi ito part ng purchase price o bayad sa property. Kung ang pera na binigay ay part ng purchase price, ito ay tinatawag na “earnest money”. Magkaiba ang option money sa earnest money. Ayon sa Supreme Court case na Oesmer vs. Paraiso Development Corporation [G.R. No. 157493, February 5, 2007]

“Earnest money” and “option money” are not the same but distinguished thus: (a) earnest money is part of the purchase price, while option money is the money given as a distinct consideration for an option contract; (b) earnest money is given only where there is already a sale, while option money applies to a sale not yet perfected; and, (c) when earnest money is given, the buyer is bound to pay the balance, while when the would-be buyer gives option money, he is not required to buy, but may even forfeit it depending on the terms of the option.”

Ang reservation fee ay usually hindi pwedeng i-refund dahil ito nga ay isang option money, if hindi natuloy ang bentahan between the buyer and the seller at ito ay forfeited in favor of the developer bilang kabayaran sa right na binigay para mareserve ang property para sa buyer.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa pagbili ng subdivision lots or condominium units o pagrereview ng mga documents dito at kailangan na mga dokumento nito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *