Baliktanaw Sa Pag-ibig

  • 65
    Shares

Baliktanaw Sa Pag-ibig

ni: Mi Chell

Sabi ng mga LDR ” absence makes the heart grow fonder”,
Sagot naman ng mga single ” maghihiwalay din kayo kase walang forever”,
Bakit ka bitter? di ba ikaw ang nang iwan “don’t you remember?”,
Kase sabi mo you don’t want to fall in love with a dreamer.

Kulang pa ba? Kulang pa ba ang pag ibig na inalay ko saiyo?
Umasa ako, inakalang akin ang iyong mundo,
Naniwala sa mga binitawan mong mga pangako,
Na sa isang iglap mawawala at biglang maglalaho.

Sabi mo pa nga noon,  sa atin ay walang makakapaghiwalay,
Nangako kang mamahalin ako, ako lamang habambuhay,
Pinaramdam mong wagas ang iyong pag-ibig at tunay,
Ang aking dating malungkot na mundo binigyan mo ng kulay.

Ang paglimot ay sadyang madaling sabihin,
Ngunit sa reyalidad, napakahirap gawin,
Ilang libong beses man na ayaw kong aminin,
Sa tuwing nag-iisa ikaw at ikaw pa rin ang iisipin.

Sadyang minsan mapaglaro ang tadhana,
Hindi sa lahat ng panahon tayo ay pinagpala,
Sa pag-ibig minsan maraming maling tanikala,
Kaya dapat huwag agad-agad na magtitiwala .

Ang isang tao kahit bigyan mo pa ng million reasons to stay,
Kahit sabihan mo pa ng i love you each and everyday,
Kapag ang pag ibig kumupas at nag fade away,
Kailangang ihanda ang sarili, come what may.

Love yourself po mas nakakabuti,
Para naman maiangat ang ating mga sarili,
Panatilihing palaging may nakahandang ngiti sa mga labi,
Dahil umiikot lang ang buhay at iibig ka na namang muli.

 

(Note: Si Mi Chell ay isang OFW sa Saudi Arabia. First time niyang magtrabaho sa labas ng bansa at mag limang buwan pa lang siya. “Mahirap mawalay sa aking pamilya, ngunit kailangan kong kumayod para sa aking mga anak. Gusto ko silang makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng magandang kinabukasan.” Facebook ang isa niyang libangan, dahil sa social media nakakausap at nasusubaybayan niya ang ginagawa ng kanyang mga anak.)

 


  • 65
    Shares

Leave a Reply