Nagiging Legitimate Child Ba Agad Kapag Pinagamit Ng Tatay Ang Kanyang Apelyido?


ANG PAGPAPAGAMIT NG APELYIDO NG TATAY O PAGPIRMA NG TATAY SA ACKNOWLEDGMENT OF PATERNITY SA BIRTH CERTIFICATE SA ISANG ILLEGITIMATE CHILD AY HINDI NAKO-CONVERT O NAGIGING LEGITIMATE ANG STATUS NG BATA. ANG PAGIGING LEGITIMATE NG ISANG BATA AY NAKIKITA KUNG SIYA AY PINANGANAK NG KANYANG MAGULANG HABANG SILA AY NA LEGAL NA IKINASAL. KUNG ANG ISANG BATA AY PINANGANAK HABANG HINDI LEGAL NA KASAL ANG KANYANG MGA MAGULANG, SIYA AY ISANG ILLEGITIMATE CHILD.

Akala ng marami na ang pagpapagamit ng tatay ng apelyido niya sa kanyang illegitimate child ay nagiging legitimate child ang nasabing bata. Meron ding mga nag-aakala na kung ang tatay ay pumirma sa birth certificate ng isang bata ay considered na itong legitimate child. Mali ang kaisipang ito dahil hindi nagiging legitimate child ang isang legitimate child gawa lang ng pagpapagamit ng apelyido ng tatay o pagpirma ng tatay sa kanyang birth certificate.

Ang basis ng pagbibigay ng batas ng “legitimate child status” sa isang bata ay kung siya ay pinanganak ng kanyang magulang habang sila ay legal na kasal. Ayon sa Article 164 ng Family Code, ang bata na pinanganak o isinilang habang legal na kasal ang kanyang mga magulang ay tinatawag na “legitimate child” at ang kanyang apelyido na dapat gamitin ay dapat sa tatay na apelyido. Kung ang bata ay ipanganak habang kasal ang kanyang magulang, ang bata ay legitimate ang status ngunit kung ang bata ay pinanganak na hindi pa kasal ang kanyang magulang, siya ay isang illegitimate child.

Ang bata na pinanganak o isinilang na hindi kasal ang kanyang mga magulang ay tinatawag na “illegitimate child” at ang kanyang apelyido na dapat gamitin ay dapat sa nanay na apelyido ngunit nasa Republic Act No. 9255 na pwedeng ipagamit ng tatay ang kanyang apelyido. Ngunit ang pagpapagamit ng apelyido ng tatay under RA9255 ay hindi binabago ang kanyang status bilang illegitimate child dahil ito ay mananatiling illegitimate child.

Dalawang proseso lamang sa batas kung saan ang isang illegitimate child ay nagiging legitimate child, ito ang proseso ng LEGITIMATION at ADOPTION.

Ang bata na pinanganak o isinilang na hindi kasal ang kanyang mga magulang ngunit may legal na kakayahan na magpakasal at that time at pagkatapos ay nagpakasal sila ay tinatawag na “legitimated child” pagkatapos mag-submit ng affidavit of legitimation sa local civil registrar. Ang kanyang apelyido na dapat gamitin ay dapat sa tatay na apelyido at ang bata ay may karapatan bilang legitimate child. Sa prosesong ito, ang dating illegitimate child ay nagiging legitimate child gawa ng subsequent na pagpapakasal ng kanyang mga magulang ng naayon sa batas.

Ang bata na anak ng ibang tao na inampon ng naayon sa batas at proseso ng korte ay “adopted child” at ito ay merong karapatan katulad ng isang legitimate child katulad ng paggamit ng apelyido ng nag-ampon, magmana at makatanggap ng suporta. Kung kaya ang isang illegitimate child ay itinataas ang status sa proseso ng adoption dahil siya ay nagiging legitimate child ng adopter na may katulad ng karapatan ng iba pang legitimate child ng adopter.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa status ng isang bata at kailangan na dokumento dito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply