Pinakamatandang Estudyante Na Nakapagtapos Sa Kolehiyo Sa Buong Mundo


10. Anne Martindell, 87

Noong Hunyo 2002 ang New Jersey Legislature ay nagbigay pugay kay Anne Martindell dahil sa kanyang pagtanggap ng diploma sa Kolehiyo sa Smith College sa edad na 87.

9. Charlie Ball, 89

Si Charlie Ball ay nag-umpisa ng Kolehiyo noong 1941 ngunit hindi ito nagtuloy tuloy dahil sa kanyang pagsabak sa  World War ll ngunit hindi niya kinalimutan ang pangarap na makapagtapos ng kolehiyo. Makalipas ang 25 na taon sa edad na 89 siya ay nagtapos sa Arkansas Tech bilang pinakamatandang mag-aaral.

8. Mary Fasano, 89

Taong 1997 si Mary Fasano ay naging headlines ng mga balita sa buong mundo dahil sa kanyang pagtapos sa Harvard University sa edad na 89.

7. (tie) Bertie Gladwin, 90

Bertie Gladwin ay pinakamatandang nagtapos sa kolehiyo sa kasaysayan ng Europa. Nakuha niya ang Masters Degree in Intelligence History sa Buckingham University sa edad na 90. Kasabay niyang natapos ang kanyang asawa sa edad na 77.

6. (tie) Wally Taibleson, 90

Sa edad na 70, unang apak ni Taibleson sa kolehiyo. Mula doo, nakuha niya ang tatlong master’s degrees, ang pinakalatest noong nakaraang taon sa edad na 90. Siya ang pinakamatandang nagtapos sa California State University.

5. Cliff Dadson, 93

Si Dadson ay naglingkod sa Royal Air Force sa panahon ng World War ll habang siya ay nagtatrabaho nilang electrical engineer. Naging bihasa siya sa kanyang larangan kaya naman nalibot niya ang buong mundo para maging speaker sa mga  Unibersidad. Nakuha niya ang college degree sa edad na 93.

4. Allan Stewart, 97

Isang retiradong dentista si Stewart. Tinanggap niya ang ikaapat na degree noong 2012 (Masters of Clinical Science from Souhern Cross University in New South Wales.) Naging mahusay na mag aaral sa lahat ng larangan na pinasok niya.

3. (tie) Twila Boston, 98

Si Boston ay nagtapos sa Utah State University, Bachelors in American Studies sa edad na 98. Tinanghal din siya bilang pinakamatandang  alumni ng kanyang Alma Mater magpahanggang ngayon.

2. (tie) Nola Ochs, 98

Ochs ay ang pinakasikat at pinakamatalinong naggraduate na kaedaran niya, 3.7  GPA sa edad na 95  sa Fort Hays State University noong 2007. Hindi siya tumigil sa kanyang edukasyon, ipinagpatuloy niya ang pag-aaral para makuha ang Masters Degree sa edad na 98 hanggang ngayon siya pa rin ang may hawak na record “the oldest recipient of Master’s Degree in History.”

1. Leo Plass, 99

Si Plass ay naging college dropped out college noong 1932 sa edad na 20. Sinabi niya na mula simula nasa puso niya ang makapagtapos ng kolehiyo. Sa edad na 99 nakuha niya ang associates degree sa East Oregon University.

 


Leave a Reply