Lumayo Ako At Muling Magbabalik


Lumayo Ako at Muling Magbabalik
(Ni: Eam Niala )
Lumayo ako para sa mga pangarap ko,
Lumayo ako para makaahon sa pagkalugmok,
Lumayo ako para kumita ng malaki,
Lumayo ako para ipakita sa lahat na kaya ko.
Kaya kong magtiis at magtiyaga,
Kaya kong magbanat ng buto,
Kaya ko ang pangungulila at pagod,
Kaya ko lahat ng pagsubok.
Oo,mahirap man pero kakayanin ko.
Oo,malungkot man ang mag isa pero titiisin ko
Oo,sobrang nakakapagod pero magtitiyaga ako
Oo,nakakapanghina minsan pero patuloy na lumalaban.
At babalik akong taas noo Babalik akong matatag.
Babalik akong may ngiti sa mga labi
Babalik akong abot-kamay ang mga pangarap
Pangarap na magkabaha. 
Pangarap na magkanegosyo
Pangarap na magiging maayos ang lahat
Pangarap na hindi na muli pang maghihirap.
Magtatagumpay ako dahil determinado ako
Magtatagumpay ako dahil yan ang pangako ko
Magtatagumpay ako dahil may tiwala ako sa sarili ko
Magtatagumpay ako higit sa lahat dahil nanalig ako sa kanya.
Sa kanya na may likha ng lahat
Sa kanya na sa akin ay nagbibigay ng lakas
Sa kanya kung saan ako ay nagmula
Sa kanya na di kailanman ako iniwan.
Salamat ama sa pagpapala,
Salamat nasa aking paglayo,ako’y iyong inalalayan,
Salamat at nandyan ka lagi sa laban ko sa buhay
Salamat sa lahat-lahat.
Lumayo ako at muling magbabalik
Muling magbabalik para sa aking pamilya
Muling magbabalik para sa aking mga kaibigan
At muling magbabalik para sa bayan Kong mahal!
(Note: Si Eam Niala ay kasalukuyang OFW sa Saudi Arabia. Ipinanganak sa Mindanao pero nakatira na sa Calamba Laguna.  Inaalay niya ang kanyang tula sa kanyang pamilya at mahal sa buhay.)

Leave a Reply