Emosyon ng Isang OFW


(Ni: Willy Bhoi)

Dalawang taon singkad akong nasasabik,
Makayakap sa mga anak at makahalik,
Ngayon ang oras ng aking pagbabalik,
Bakasyon ko sa pamilya aking isusulit.

Ngayon ako ay nasa aming tahanan,
Pamilya ko akin na silang nasilayan,
Pananabik sa kanila hinde ko mapigilan,
Yakap at halik aking ng naisakatuparan.

Ngunit paano ba  kami magiging masaya,
Kung araw-araw umaalis naman sila,
May kanya kanyang lakad doon sa barkada,
Pananabik nila sa akin isang araw lang pala.

Pinigilan ko sila pumirmi muna ng tahanan,
Tutal bakasyon ko isang buwan lang naman,
Wala munang gagala kung saan saan,
Dahil gusto ko sila ay aking paglambingan.

Bawat araw binibilang tila kanilang kinaiinipan,
Ang aking pamamalagi sa aming tahanan,
Ito ay kabaligtaran ng aking nararamdaman,
Isang buwan bakasyon gustong madagdagan.

Aking mga anak hinde ko maiwanan,
Pero aking pamilya  hinde makaramdam,
Tanging gusto nila ang kanilang kalayaan,
Sandali kong bakasyon hinde mapagtiisan,
Dahil sila’y nasanay na walang magulang.


Leave a Reply