Sino

  • 1
    Share

Sino

(Willy Bhoi)

Sino daw ba, ang tunay na mangloloko
Itong si lalaki ba na babaero
Oh itong babae na siyang lalakero
Sino sa kanila ang tunay na aragabyado?

May kasabihan sa lalaki walang mawawala
Para sa babae ito ay napakasamang gawa
Pero sa mata ng diyos  ito’y parehong sala
Ipinagbabawal niya ang pangangaliwa.

Kung bibilangin marami babaero
Dahil ang lalaki  kwento ng kwento
Ang babae daw niya ay dalawa o tatlo
Pero ang mga babae sobrang sekreto.

Para sa akin ito’y hinde dapat pagtalunan
At pareho namang walang karapatan
Bukod sa bawal ito’y hinde paligsahan
Ito’y kahihiyan hinde ka dapat mapabilang.

Kalayaan mo, huwag samantalahin
Social media ay huwag gamitin
Taong may asawa huwag aakitin
Dahil ang tukso mahirap kalabanin.

Ang panloloko  madali lang gawin
Pero masakit kung saiyo ito gagawin
Kaya asawa mo iyong respetuhin
Upang hinde mag-isip na ikaw ay lokohin.

 


  • 1
    Share

Leave a Reply