Ano Ang Pananagutan Sa Batas Ng Taong Nagkalat Ng Private Messages?


“ANO PO KASO PWEDE ISAMPA SA KAPITBAHAY KO NA BINUKSAN ANG FACEBOOK ACCOUNT KO NA HINDI KO ALAM AT KINALAT PO ANG LAMAN NG MGA PRIVATE MESSAGES KO?”

ANG SINUMANG TAO AY MAY OBLIGASYON NA GAWING CONFIDENTIAL AT HINDI ISAPUBLIKO O IBIGAY ANG ANUMANG ELECTRONIC MESSAGE NG IBANG TAO NA NAKUHA SA PAMAMAGITAN NG PAG-ACCESS SA ISANG SOCIAL NETWORKING SITES TULAD NG FACEBOOK, TWITTER AT IBA PA. ANG PAG-DISCLOSE NG ANUMANG ELECTRONIC MESSAGE NG IBANG TAO NA NAKUHA SA PAMAMAGITAN NG PAG-ACCESS SA ISANG SOCIAL NETWORKING SITES AY ISANG KRIMEN AT PAGLABAG SA E-COMMERCE LAW UNDER REPUBLIC ACT NO. 8792 NA MAY PARUSANG KULONG.

Maraming ngayon ang gumagamit ng Facebook at marami ang nakakapasok sa account ng ibang tao at kinukuha ang lamang ng private messages. May kaso ba ito? Ganito ang problem ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“May friend po ako na nakuha ang aking FB password. Nag-away kami dahil hindi nagbayad ng utang at ngayon ay kinuha lahat private messages ko at napost niya sa Facebook at marami nagalit sa akin. Ano pwede ko ikaso atty?”

Ang Republic Act No. 8792 o ang E-Commerce Law ng Pilipinas ang nagreregulate sa paggamit natin ng internet. Dahil mahalaga ang privacy ng lahat ng tao, ang nasabing batas ay naguutos na ang anumang inpormasyon na makuha ng sinumang tao sa internet kung saan ay nabigyan siya ng access sa private internet account ng ibang tao katulad ng private messages, data at iba pa, ay kailangan gawin itong confidential at hindi dapat isapubliko. Hindi dapat ito ipasa o ibigay kahit kanino.

Section 32. Obligation of Confidentiality. – Except for the purposes authorized under this Act, any person who obtained access to any electronic key, electronic data message or electronic document, book, register, correspondence, information, or other material pursuant to any powers conferred under this Act, shall not convey to or share the same with any other person.

Ang sinumang tao na magviolate ng obligation of confidentiality ng mga electronic information ay may parusang kulong ayon sa Section 33 ng R.A. 8792, to wit:

Section 33. Penalties. – The following Acts, shall be penalized by fine and/or imprisonment, as follows:

(d) Other violations of the provisions of this Act, shall be penalized with a maximum penalty of one million pesos (P 1,000,000.00) or six (6) years imprisonment.

Kung gusto nyo magtanong ukol sa violation ng E-Commerce Law, Cybercrime or electronic evidence register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.

Kung gusto niyo naman ng video-chat consultation, magregister sa www.lexmeet.com.

All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.


Leave a Reply