Ano Ang Panganib Kung Ikaw ay Pipirma Bilang Co-Maker Sa Isang Loan?


“ANO IBIG SABIHIN NG “CO-MAKER”? ANO ANG PANGANIB KUNG IKAW AY PIPIRMA BILANG CO-MAKER SA ISANG LOAN”?

ANG TINATAWAG NA CO-MAKER AY ISANG TAO NA PUMIRMA SA ISANG PROMISSORY NOTE O LOAN AGREEMENT KUNG SAAN SIYA AY NANGANGAKO NA MAGBABAYAD SA UTANG NA KANYANG PINIRMAHAN. BILANG ISANG CO-MAKER, KARANIWAN ITO NA NAGRERESULTA SA ISANG SOLIDARY OBLIGATION. ITO AY USUALLY MAKIKITA SA KONTRATA NA MAY SALITANG “TO PAY JOINTLY AND SEVERALLY”. ANG ISANG TAO NA PUMIRMA BILANG CO-MAKER AT SOLIDARY DEBTOR SA LOAN AGREEMENT NG ISANG TAO AY MAY OBLIGASYON NA BAYARAN ANG UTANG KAHIT HINDI SIYA TUMANGGAP NG PERA MULA SA NAGPA-UTANG O UMUTANG. ANG CO-MAKER AT SOLIDARY DEBTOR AY PWEDENG DIRETSONG SINGILIN NG NAGPA-UTANG KAHIT MAY PAMBAYAD ANG TAONG TALAGANG UMUTANG.

Nakapirma ka na ba sa loan agreement bilang co-maker? Maraming kababayan natin ang umuutang kasama ang kaibigan o kamag-anak at usually, sila ay ginagawang co-maker sa loan agreement. Ganito ang problem ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Umutang po kami ng tita ko sa financing ng 100k, 50k sa akin at 50k sa kanya. Ako po nagbabayad pero siya po ay hindi. Ngayon bayad ko na 50k, ang tita ko ay hindi at sinisingil ako ng collection agency sa 50k. Tama ba yon atty e bayad na ako?”

Ang co-maker ay isang tao na kasama sa gumawa at pumirma ng isang loan agreement o promissory note o negotiable instrument kung saan siya ay nangangakong magbabayad sa utang na nakasaad sa nasabing dokumento. Usually, ang isang co-maker ay tinatawag na solidary debtor or a surety.

Sec. 60. Liability of maker. – The maker of a negotiable instrument, by making it, engages that he will pay it according to its tenor, and admits the existence of the payee and his then capacity to indorse.

Ibig sabihin nito, ang isang co-maker ay pwedeng singilin sa buong utang kahit hindi niya utang ang lahat o kaya ay nabayaran na niya ang parte ng utang niya. Ang choice o option ay nasa creditor at wala sa co-maker. Ang co-maker ay matatawag na solidary debtor o surety kung siya ay pumirma sa isang dokumento na may salitang “to pay jointly and severally.

“A solidary or joint and several obligation is one in which each debtor is liable for the entire obligation, and each creditor is entitled to demand the whole obligation. On the other hand, Article 2047 of the Civil Code states: “By guaranty a person, called the guarantor, binds himself to the creditor to fulfill the obligation of the principal debtor in case the latter should fail to do so. If a person binds himself solidarily with the principal debtor, the provisions of Section 4, Chapter 3, Title I of this Book shall be observed. In such a case the contract is called a suretyship.” x x x

Under Art. 1207 thereof, when there are two or more debtors in one and the same obligation, the presumption is that obligation is joint so that each of the debtors is liable only for a proportionate part of the debt. There is a solidarily liability only when the obligation expressly so states, when the law so provides or when the nature of the obligation so requires. Because the promissory note involved in this case expressly states that the three signatories therein are jointly and severally liable, any one, some or all of them may be proceeded against for the entire obligation. The choice is left to the solidary creditor to determine against whom he will enforce collection. [Ang vs. Associated Bank et. al., G.R. No. 146511, September 5, 2007]

Katulad ng question ng isang reader ng E-Lawyers Online, ang collection agency ay may right na singilin sa kanya ang 50,000 na utang na hindi nababayaran ng tita niya kahit siya ay bayad na sa inutang niya na 50,000 dahil siya ay nangako sa kanyang loan agreement na babayaran ito ng buo.

Paano kung hindi nakatanggap ng pera galing sa loan ang isang pumirma bilang isang co-maker?

Ang isang tao na pumirma na co-maker at solidary debtor sa isang loan agreement ng isang tao, ay may obligasyon na bayaran ng buo ang utang kahit hindi siya tumanggap ng pera mula sa nagpa-utang o umutang. Ang pagpirma ng isang tao bilang co-maker o guarantor o surety sa isang kasunduan ng utangan ay may kaukulang obligasyon na bayaran niya ang utang kung ang ang taong umutang ay hindi na makabayad. Ibig sabihin nito ay maaring kunin ang mga property ng isang co-maker based sa procedure ng batas, ng nagpautang bilang kabayaran sa utang. Hindi mahalaga dito kong ang co-maker ay tumanggap ng pera o hindi sa umutang o may kapalit o wala ang kanyang pagpirma bilang co-maker. Pero ang obligasyon na ito ay pwede lang ipatupad kung ang co-maker ay pumirma sa promissory note o loan agreement at kung walang pirma, hindi siya pwede kasuhan bilang co-maker. Ang tawag dito ay “accommodation party”. Under Section 29 of Negotiable Instruments Law:

Sec. 29. Liability of accomodation party. – An accomodation party is one who has signed the instrument as maker, drawer, acceptor, or indorser, without receiving value therefor, and for the purpose of lending his name to some other person. Such a person is liable on the instrument to a holder for value, notwithstanding such holder, at the time of taking the instrument, knew him to be only an accomodation party.

Ang accommodation party ay walang “benefit of excussion”, kung saan ang nagpa-utang ay pwedeng direkta na maningil sa co-maker o accommodation party kahit may pambayad sa utang ang taong umutang. Ang benefit of excussion ay nasa Article 2058 ng New Civil Code: “The guarantor cannot be compelled to pay the creditor unless the latter has exhausted all the property of the debtor, and has resorted to all the legal remedies against the debtor.”

Kung gusto nyo magtanong ukol sa pagsingil ng utang o kung may tanong tungkol sa documentation, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang linkhttp://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.

All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.


Leave a Reply