Ano Ang Pwede Ikaso Sa Taong Kumuha ng Picture Sa Maselang Parte Ng Katawan?


“ATTY., KUNG KINUHANAN NG PICTURE ANG PWET KO DAHIL NAKAPALDA AKO NA HINDI KO ALAM, PWEDE KO BA KASUHAN YONG TAO NA YUN?”

ANG PAGKUHA NG PICTURE O VIDEO NG PRIVATE AREA NG ISANG TAO AGAINST HIS/HER CONSENT O HINDI NIYA NALALAMAN DAHIL MAY EXPECTATION SIYA NG PRIVACY AY ISANG KRIMEN AT PINAPARUSAHAN NG KULONG NA TATLO (3) HANGGANG PITONG (7) TAON SA BATAS NA TINATAWAG NA “ANTI-PHOTO AND VIDEO VOYEURISM LAW” O REPUBLIC ACT NO. 9995. AYON SA BATAS NA ITO, CONSIDERED NA PRIVATE PARTS ANG ANUMAN PARTE NG FEMALE BREAST AT BUTTOCKS O PUWET NG TAO.

May mga nagtanong sa E-Lawyers Online kung ang pagkuha ng picture o video ng pwet o buttocks ng isang tao ay pwedeng kasuhan sa korte. Ganito ang question ng reader:

“Nagvacation po kami atty at nagtwo-piece bikini po kami sa beach. Meron kami nakasabay sa beach na mga lalaki at ang isa po sa kanila ay nag take ng picture sa amin. Pwede ba namin sila kasuhan dahil sa pagpicture sa amin?”

“Hi atty., share ko lang po. Nagkwentuhan po kami sa work tungkol sa pagsuot ko ng thongs. May nakarinig po sa mga officemate ko na lalaki at may kawork ako na nagvideo sa aking pwet by putting his celphone sa shoes nya at pinasa niya sa mga kaofficemates ko na lalaki. Pwede ko ba siya kasuhan?”

Ang pag-kuha ng picture o video nang isang sexual act o act na may sexual context o ang private parts ng isang tao tulad ng puwet, suso o pubic area, kahit may panty o iba pang undergarments, ng walang pahintulot ng nasabing tao na nasa sirkumstansiya kung saan inaakala niya na siya ay nasa pribadong lugar, ay isang krimen na pinaparusahan sa Anti-Photo and Video Voyeurism Law o Republic Act No. 9995:

Section 4. Prohibited Acts. – It is hereby prohibited and declared unlawful for any person:

(a) To take photo or video coverage of a person or group of persons performing sexual act or any similar activity or to capture an image of the private area of a person/s such as the naked or undergarment clad genitals, public area, buttocks or female breast without the consent of the person/s involved and under circumstances in which the person/s has/have a reasonable expectation of privacy;

 

Ayon sa Section 3 ng R.A. 9555, ang anuman parte ng female breast ay private area katulad ng cleavage at nipples:

(c) “Female breast” means any portion of the female breast.

(e) “Private area of a person” means the naked or undergarment clad genitals, pubic area, buttocks or female breast of an individual.

Ang parusa dito ay imprisonment of not less that three (3) years but not more than seven (7) years, or a fine of not less than P100,000 but not more than P500,000, or both.

Section 5. Penalties. – The penalty of imprisonment of not less that three (3) years but not more than seven (7) years and a fine of not less than One hundred thousand pesos (P100,000.00) but not more than Five hundred thousand pesos (P500,000.00), or both, at the discretion of the court shall be imposed upon any person found guilty of violating Section 4 of this Act.

Sa dalawang kaso sa itaas, ang unang kaso ay violation ng R.A. 9555 dahil may reasonable expectation of privacy to be left alone sa isang beach. Athough alam nila na ang pagpunta sa beach ay isang public area kung saan maraming tao na makakakita sa kanilang suot ngunit walang karapatan ang sinuman na kumuha ng mga pictures ng private parts ng body nila. Ito ay nasa Section 3 (f) ng batas:

(f) “Under circumstances in which a person has a reasonable expectation of privacy” means believe that he/she could disrobe in privacy, without being concerned that an image or a private area of the person was being captured; or circumstances in which a reasonable person would believe that a private area of the person would not be visible to the public, regardless of whether that person is in a public or private place.

Sa ikalawang kaso, may violation ng R.A. 9555 dahil may reasonable expectation of privacy dahil kaya siya nagsuot ng palda sa opisina ay upang maging pribado ang kanyang private parts at matakpan ito at pinilit talaga na makuhaan ng video ang kanyang puwet kahit tinatago na niya ito.

Kung gusto nyo magtanong ukol sa Anti-Photo and Video Voyeurism Law o Republic Act No. 9995, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.

 


Leave a Reply