Kailan Maaaring Pumili Ang Anak Kung Sa Nanay o Tatay Siya Maninirahan?


ATTY., HIWALAY PO AKO SA ASAWA KO, PAGDATING BA NG EIGHT YEARS OLD NG ANAK NAMIN, PWEDE NA BA NAMIN PAPILIIN KUNG SAAN GUSTO NIYA TUMIRA?

YONG EX-BF KO ATTY, SABI NIYA NA PAGDATING NG 8 YEARS OLD AY KUKUNIN NIYA ANAK NAMIN DAHIL PWEDE NA DAW SIYA PAPILIIN KUNG SAAN NIYA GUSTO. TAMA PO BA?

ANG KUSTODIYA NG MGA LEHITIMONG ANAK AY PAREHONG BINIBIGAY SA MAG-ASAWA “JOINTLY” AT KUNG SILA AY NAGHIWALAY, ITO AY BINIGAY SA INA KUNG SEVEN YEARS OLD OR LESS ANG EDAD NG BATA UNLESS MAY COMPELLING REASON SIYA O HINDI KARAPATDAPAT. KUNG ANG BATA AY OVER SEVEN YEARS OLD, SILA AY PINAPAPILI NG KORTE SUBJECT SA CONDITION NA ITO AY MAKAKABUTI SA MGA BATA O KUNG ANG NASABING MAGULANG NA PINILI AY HINDI KARAPATDAPAT.

IBA ANG BATAS SA KUSTODIYA NG BATANG ILLEGITIMATE O ANAK NG MGA HINDI KASAL DAHIL ITO AY IPINAGKAKALOOB NG BATAS SA KANYANG NANAY LAMANG AT WALA NG IBA PA AT ANG TATAY AY MAYROON LAMANG VISITATION RIGHTS. WALANG BATAS NA NAGSASABI NA ANG ILLEGITIMATE CHILD AY PWEDENG MAMILI KUNG SINO ANG GUSTONG NIYANG SAMAHAN. ANUMAN ANG EDAD NG ILLEGITIMATE CHILD, ANG KANYANG CUSTODY AY MANANATILI SA INA.

Karaniwang tanong sa E-Lawyers Online ang custody ng anak at paano ang rule sa pagpili ng anak kung kaninong magulang niya gusto tumira. Ganito ang tanong ng readers ng E-Lawyers Online:

“Kasal ako atty at yong misis ko ay iniwan ako. May 3 years old kami na anak at 7 years old, pwede ko ba makuha custody ng mga bata? Anong age ba dapat papiliin sila kung saan nila gusto?”

“Yong kalive-in ko atty, tinatakot ako na pagdating ng 8 years old ng anak namin, kukunin daw niya dahil pwede na daw papiliin ang bata. Magagawa ba niya yun atty? please help po.”

Ang batas ng child custody ay magkaiba kung legitimate child at iba rin sa illegitimate child. Usually, ang issue ng custody ay nangyayari kung naghihiwalay ang mag-asawa o kaya ay magkalive-in at marami ang nagkakamali na pareho sila ng karapatan sa batas.

Unahin natin ang sa legitimate children, meaning, mga bata na pinanganak habang ang kanilang mga parents ay validly married o sila ay kasal. Ayon sa Article 211 ng Family Code, ang kustodiya ng mga legitimate children ay prehong binibigay sa mag-asawa. Kung may hindi pagkakasundo, ang desisyon ng ama ang masusunod unless may desisyon ang korte laban dito.

“Art. 211. The father and the mother shall jointly exercise parental authority over the persons of their common children. In case of disagreement, the father’s decision shall prevail, unless there is a judicial order to the contrary. Children shall always observe respect and reverence towards their parents and are obliged to obey them as long as the children are under parental authority.”

Ibig sabihin, parehas ang karapatan ng nanay at tatay sa kanilang mga lehitimong mga anak. Paano kung magkahiwalay sila? Ayon sa batas, particularly, Article 102 (6) ng Family Code, kung nagkahiwalay ang mag-asawa, automatic na sa nanay ang kustodiya ng mga lehitimong anak na below 7 years of age unless sabihin ng korte na may mabigat na dahilan laban dito.

Article 102 (6) Unless otherwise agreed upon by the parties, in the partition of the properties, the conjugal dwelling and the lot on which it is situated shall be adjudicated to the spouse with whom the majority of the common children choose to remain. Children below the age of seven years are deemed to have chosen the mother, unless the court has decided otherwise. In case there in no such majority, the court shall decide, taking into consideration the best interests of said children. (n)

Nasa Article 213 ng Family Code naman na kung ang mga lehitimong anak ay more than seven years old na, pwede na silang papiliin unless na lamang na hindi karapatdapat ang magulang na pinili ng mga bata.

Art. 213. In case of separation of the parents, parental authority shall be exercised by the parent designated by the Court.The Court shall take into account all relevant considerations, especially the choice of the child over seven years of age, unless the parent chosen is unfit. (n)

Ano ang pamantayan ng korte para sabihin na hindi karapatdapat na ibigay ang custody ng bata sa kanyang magulang na pinili?

Sa isang kaso sa Supreme Court na entitled Tonog vs. Court of Appeals [G.R. No. 122906, February 7, 2002], ang “compelling reason” kung saan pwede madeprive ang ina ng custody ng anak ay neglect, abandonment, unemployment and immorality, habitual drunkenness, drug addiction, maltreatment of the child, insanity, and affliction with a communicable illness.

Ganun din, ang piniling magulang ng bata na gusto niya makasama ay hindi automatic na mapupunta ang custody sa nasabing magulang na napili dahil ang korte pa rin ang may final na decision kung kanino siya dapat mapunta ng naayon sa pinakamabuting kapakanan ng mga bata. Sa isang Supreme Court na kaso, [Bondagjy vs. Bondagjy (G.R. No. 140817. December 7, 2001)], sinabi ng Korte Suprema na ang pinakamahalagang konsiderasyon sa custody cases ay ang kapakanan ng mga bata o welfare of the minors. Ayon sa Supreme Court, ang kakayahan ng parent o magulang upang maibigay sa kanya ang custody ng kanyang mga anak ay kailangang may:

[1] kakayahan na makita at maayos na physical, educational, social and moral welfare of the children, and

[2] kakayahan na mabigyan ang mga anak ng malusog at maayos na kapaligiran o titirhan kasama na ang physical and financial support taking into consideration the respective resources and social and moral situations of the parents.

Kung ang bata naman ay isang illegitimate child, ano ang rule about sa custody nila?

Ang isang illegitimate child ay isang bata na pinanganak na hindi kasal ang kanilang mga magulang o kaya ay void sa simula ang kanilang kasal katulad ng bigamous marriage, underage at iba pa. Ayon sa Article 176 ng Family Code, ang parental authority ng illegitimate child ay nasa nanay lamang. Ang karapatan lamang ng tatay ng isang illegitimate child ay visitation rights sa kanyang anak. Kasama sa parental authority ay ang parental custody at dahil binibigay ito sa nanay, ang nanay lamang ang may custody sa illegitimate child.

Art. 176. Illegitimate children shall use the surname and shall be under the parental authority of their mother, and shall be entitled to support in conformity with this Code. The legitime of each illegitimate child shall consist of one-half of the legitime of a legitimate child. Except for this modification, all other provisions in the Civil Code governing successional rights shall remain in force.

Walang batas na nagbibigay ng karapatan sa tatay na papiliin ang illegitimate na anak dahil malinaw ang batas na ang custody ay dapat sa nanay lamang at wala nang iba pa. Kahit anupaman ang edad ng bata, ang custody nito ay laging nasa nanay at hindi sila binibigyan ng batas na papiliin kung sino ang parent na gusto nilang makasama. Ang batas ay nagbibigay lamang ng karapatan na papiliin ang mga anak kung may valid na kasal ang kanilang mga magulang at sila ay naghiwalay na. Ito ay naayon sa Article 102 (6) and 213 ng Family Code:

Kung gusto nyo magtanong ukol sa custody ng legitimate child at illegitimate child, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply