Kailangan Ba Ang Presensiya o Pirma Ng Asawa Para Umusad Ang Annulment of Marriage?


ANG PIRMA, PRESENSIYA O PAGPAYAG/CONSENT NG ASAWA NA SINAMPAHAN NG ANNULMENT OF MARRIAGE (GUILTY SPOUSE) AY HINDI KAILANGAN SA PROSESO NG ANNULMENT. ANG KAILANGAN LAMANG AY MAPADALHAN NG SUMMONS O NOTICE ANG ASAWA O KUNG HINDI MAN AY MAPUBLISH ITO SA NEWSPAPER UPANG MATULOY ANG ANNULMENT OF MARRIAGE.

Marami ang nagtatanong sa E-Lawyers Online ng ganito tungkol sa annulment of marriage:

“Atty.! Paano po ako makakapagsampa ng annulment of marriage sa korte kung ayaw pumirma ng asawa ko dito o ayaw niya pumayag dito?”

“Atty.! Ang asawa ko po ay nasa abroad, paano po matutuloy ang isasampa kong annulment of marriage kung wala at nasa abroad ang asawa ko?”

Walang batas sa Family Code o sa Rules of Court ng Annulment of Marriage na kailangan ang permiso, pirma o presence ng sinampahang asawa para matuloy ang annulment of marriage dahil hindi ito kailangan sa proseso ng annulment. Matutuloy ang annulment case kahit walang permiso, walang pirma o absent ang guilty spouse o ang sinampahang asawa ng kaso. Ang mahalaga ay merong ground ang nagsampang asawa o innocent spouse at patunayan ito ng kanyang ebidensya sa korte.

Ang pagpirma ng asawa na siya ay pumapayag o umaamin sa mga paratang sa kanya sa petition for annulment of marriage ay isang confession of judgment na hindi pinapayagan ng batas. Bawal ang confession of judgment o pag-amin ng kasalanan ng guilty spouse dahil ebidensiya ito ng collusion o pakikipagsabwatan. Nasa Article 2035 ng New Civil Code na hindi valid at hindi pwede magkasundo ang mag-asawa o mag compromise o magpirmahan para sa pagbabago ng civil status nila o na mawala ang bisa ng kasal nila o magkasundo sa ground ng legal separation. Ang batas na ito ang basehan ng korte na ipagbawal ang anumang pirmahan ng mag-asawa sa pagpapawalang bisa ng kasal nila at sabwatan ng mag-asawa sa annulment of marriage. Kung merong kasunduan o usapan ang mag-asawa sa proseso ng annulment, ito ay ebidensiya ng collusion na pwedeng maging dahilan ng pagkadismiss ng kaso ng annulment.

Ang mahalaga lamang sa proseso ng annulment of marriage ay mapadalhan ng “summons” ang sinampahang asawa. Ang summons ay isang order ng korte kung saan inuutusan ang sinampahang asawa na sagutin ang mga paratang sa kanya sa loob ng 10 days mula sa pagkatanggap ng summons. Ang sinampahang asawa o guilty spouse ay padadalhan ng Summons ng korte upang utusan siya na sagutin ang mga paratang ng innocent spouse sa Petition for Annulment of Marriage. Kung ang Summons ng korte ay hindi maipadala sa guilty spouse o sinampahang asawa dahil hindi siya ma-locate sa kanyang address o siya ay nasa abroad o ang kanyang kinaroroonan ay hindi alam ng innocent spouse o nagsampang asawa, ang service ng summons ay pwedeng gawin sa pamamagitan ng pag-publish ng Petition at ng Summons sa once a week for two consecutive weeks in a newspaper of general circulation in the Philippines and in such places as the court may order at kasama dito ang pagpapadala ng summons sa guilty spouse at his last known address by registered mail or any other means the court may deem sufficient. Pagkatapos na ma-publish ang Petition at Summons sa newspaper ay pwede na magdiretso ang proseso ng annulment kahit wala o absent ang sinampahang asawa o guilty spouse.

Kung gusto nyo magtanong ukol sa legal separation or annulment of marriage, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply