Maaari Bang Kasuhan Ang Gumawa Ng FB Account Gamit Ang Iyong Pangalan?


“ATTY., YONG PROFILE PICTURE KO PO AY KINUHA NG KAAWAY KO AT GUMAWA NG FB ACCOUNT GAMIT NAME KO AT PINALABAS NIYA NA AKO YUN, ANO PWEDE KO MAIKASO? 

ANG COMPUTER-RELATED INDENTITY THEFT OR CYBER IDENTITY THEFT AY ISANG KRIMEN AYON SA SECTION 4 (B) (3) NG REPUBLIC ACT NO. 10175 OTHERWISE KNOWN AS “CYBERCRIME PREVENTION ACT OF 2012”. ITO AY ANG WALANG PERMISO O KARAPATAN O INTENSYONAL NA PAGKUHA, PAGGAMIT O MALING PAGGAMIT O PAGLIPAT, PAGKAKAROON O PAGBABAGO O PAGBURA NG INPORMASYON O PAGKAKAKILANLAN NG ISANG TAO O KORPORASYON SA INTERNET. ITO AY MAY PARUSANG KULONG NA SIX MONTHS AND ONE DAY TO SIX YEARS. ANG “PAGMUMURA” O “PANINIRANG PURI” SA ISANG TAO SA FACEBOOK, TWITTER O IBA PANG SOCIAL NETWORKING SITES O SA INTERNET AY ISANG KRIMEN NA CYBER LIBEL AT PWEDENG PATUNAYAN NG SCREEN SHOT NITO BILANG ELECTRONIC EVIDENCE AT CIRCUMSTANTIAL EVIDENCE.

Marami ngayon ang gumagawa ng pagkuha ng picture ng isang tao sa Facebook account at ito ay ginagamit para makapanloko, mang-asar o kaya manira ng reputasyon ng ibang tao. May parusa ba ang batas dito? Ganito ang tanong ng mga readers ng E-Lawyers Online:

“May nakaaway ako atty at bilang ganti sa akin, kumuha siya ng profile pic ko at gumawa ng FB account at sinabi niya na pokpok ako at nilagay niya cel number ko para guluhin ako ng mga lalaki. May witness ako atty na siya gumawa, ano pwede ko ikaso, please help po.”

“Hello po atty, makisagot naman po, online seller po ako at may FB account ako pero yong kalaban ko ay nireport ng nireport ako hanggang mablock ako tapos gumawa siya ng FB account katulad ng name ko at sinira niya ako sa mga clients ko. Ano po pwede ikaso ko?”

Ang dalawang kaso sa itaas ay tinatawag na computer-related identity theft. Ito ay isang krimen na intensyonal na pagkuha, paggamit, maling paggamit, paglipat, pagmamay-ari, pag-alis o pagtanggal ng pagkilala ng impormasyon na kabilang o pag-aari ng ibang tao, maging tao o korporasyon, na walang karapatan. Ito ay isang krimen na may kaparusahan na kulong at kung walang pinsala ay pa dulot, ang parusang ipinapataw ay dapat na isang (1) degree na mas mababa. Ito ay pinaparusahan under Section 4 (b) (3) “Cybercrime Prevention Act of 2012″ o Republic Act No. 10175.

Ang Computer related idnetity theft ay pinaparusahan sa Section 4 (b) (3)  ng “Cybercrime Prevention Act of 2012″ o Republic Act No. 10175:

(b) Computer-related Offenses:

(1) Computer-related Forgery:

(2) Computer-related Fraud.

(3) Computer-related Identity Theft. The intentional acquisition, use, misuse, transfer, possession, alteration or deletion of identifying information belonging to another, whether natural or juridical, without right. Provided, That if no damage has yet been caused, the penalty imposed shall be one (1) degree lower.

Ang nasabing krimen ay may parusang kulong na 6 years and 1 day to 12 years bukod sa multa na hindi bababa sa P200,000 hanggang sa danyos na natamo.

Section 8. Penalties. – Any person found guilty of any of the punishable acts enumerated in Sections 4(a) and 4(b) of this Act shall be punished with imprisonment of prision mayor or a fine of at least Two hundred thousand pesos (P200,000) up to a maximum amount commensurate to the damage incurred or both.

Ano ba ang tinatawag na “identifying information” ayon sa Cybercrime Law?

Identifying information means the personal information ng isang tao katulad ng mga sumusunod:

Name, home address, social media account name, login name, pictures, among others.

Ayon sa Data Privacy Act of 2012 otherwise known as Republic Act No. 10173, particularly Section 3 (g) “Personal information refers to any information whether recorded in a material form or not, from which the identity of an individual is apparent or can be reasonably and directly ascertained by the entity holding the information, or when put together with other information would directly and certainly identify an individual.

Ang main evidence ng Cyber identity theft ay mismong ang screen shot ng ginawang account or post kasama na ang mga witnesses at affidavit of evidence na nagpapatunay na ang nasabing tao ang kumuha o gumawa ng krimen na ito. Kailangan din patunayan ng complainant na siya ang legal na nagmamay-ari ng nasabing identifying information. Ang nasabing post, comment o twit ay isang electronic evidence na tinatanggap na sa korte bilang ebidensiya ng cyber identity theft at pwede na itong magamit laban sa taong nagpost nito sa internet.

Paano kung anonymous o fictitious account ang gumawa nito?

Kailangan patunayan ang identity ng gumawa nito sa pamamagitan ng direct o kaya circumstantial evidence. Ang pagtagni-tagni ng motibo at circumstances before, during and after lumabas ang libelous post or comment at mga testimoniya ng tao na may personal knowledge dito ay pwedeng gamitin na circumstantial evidence para ituro ang suspect bilang may-ari ng nasabing anonymous or ficititious account. “Circumstantial evidence is sanctioned by Rule 133, Section 5 of the Revised Rules on Evidence. The following are the requisites for circumstantial evidence to be sufficient for a conviction: (a) there is more than one circumstance; (b) the facts from which the inferences are derived have been proven; and (c) the combination of all the circumstances results in a moral certainty that the accused, to the exclusion of all others, is the one who has committed the crime.  Thus, to justify a conviction based on circumstantial evidence, the combination of circumstances must be interwoven in such a way as to leave no reasonable doubt as to the guilt of the accused.”(Buebos vs. People, G.R. No. 163938, March 28, 2008).

Kung gusto nyo magtanong ukol sa internet identity theft or electronic evidence register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply