May Bisa Ba Ang Kasal Kung Ang Seremonyas ay Ginawa sa Relihiyong Hindi Sila Kaanib?


 

“MAY BISA PO BA KASAL NAMIN ATTY KUNG AKO AY KATOLIKO PERO HINDI PARI ANG NAGKASAL SA AMIN, PASTOR PO ANG NAGKASAL SA AMIN?

ANG FAMILY CODE AY HINDI NAGPRE-PRESCRIBE NG ANUMANG FORM O RELIGIOUS RITE O CEREMONY PARA SA IKAKASAL BASTA ANG KASAL AY MERON ITONG MARRIAGE CEREMONY KUNG SAAN SILA AY PERSONAL NA MAGKAHARAP NA MAGPAPALITAN NG “I DO” SA HARAP NG PARI, MINISTRO, IMAM O JUDGE O SINUMAN NA AUTHORIZED NA SOLEMNIZING OFFICER AT DALAWANG WITNESSES NA NASA WASTONG GULANG AT MAY PERSONAL NA DEKLARASYON NA TINATANGGAP NILA ANG ISAT-ISA BILANG MAG-ASAWA.

ANG KASAL NA GINANAP ANG MARRIAGE CEREMONY NA KAKAIBA SA RELIHIYON NG MGA KINASAL AY MAY BISA AT HINDI ITO PWEDENG BASEHAN PARA SA PAGPAPAWALANG BISA NG KASAL. 

May mga nagtatanong sa amin sa E-Lawyers Online kung may bisa ba ang kasal kung ang kasal ay ginawa sa seremonyas ng isang relihiyon kung saan isa o pareho sila na hindi kaanib sa nasabing relihiyon. Ganito ang question ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Pwede ko ba Atty magamit sa annulment of marriage ang depekto sa aming kasal dahil kinasal kami sa Reverend pero hindi namin kami ka-relihiyon nila. Noong kinasal kami ay baptized as Catholic kami at ang nagkasal sa amin ay isang pastor sa City Hall. Void ba ang kasal namin?”

Based sa nasabing question ng reader ng E-Lawyers Online, may required ba talaga o prescribed na religious ceremony ang isang kasal bago ito maging mabisa?

Malinaw sa ating Section 6, Article II ng 1987 Constitution na ang Estado at ang Relihiyon ay magkahiwalay at hindi pwedeng pagsamahin.

Section 6. The separation of Church and State shall be inviolable.

Mas malinaw sa ating Bill of Rights, Section 5, Article III ng 1987 Constitution na walang anumang relihiyon ang papanigan ng Estado at hindi pipigilan ang lahat ng tao na magpahayag ng kanilang pananapalataya sa anumang relihiyon at hindi pwedeng gamitin ang relihiyon para pigilan ang sinuman sa paggamit ng kanilang sibil at politikal na karapatan.

Section 5. No law shall be made respecting an establishment of religion, or prohibiting the free exercise thereof. The free exercise and enjoyment of religious profession and worship, without discrimination or preference, shall forever be allowed. No religious test shall be required for the exercise of civil or political rights.

Dahil walang pinapanigan ang batas at ang Estado ng anumang relihiyon, malinaw sa Article 6 ng Family Code na walang prescribed na religious ceremony para sa pagpapakasal. Ang mahalaga sa isang kasal ay kailangan may marriage ceremony na maganap sa mga ikakasal at may personal appearance sila at magkaharap na nagbibigay ng deklarasyon sa authorized solemnizing officer na sila ay mag-aasawa sa harap ng dalawang witnesses na nasa wastong edad.

“Art. 6. No prescribed form or religious rite for the solemnization of the marriage is required. It shall be necessary, however, for the contracting parties to appear personally before the solemnizing officer and declare in the presence of not less than two witnesses of legal age that they take each other as husband and wife. This declaration shall be contained in the marriage certificate which shall be signed by the contracting parties and their witnesses and attested by the solemnizing officer.

In case of a marriage in articulo mortis, when the party at the point of death is unable to sign the marriage certificate, it shall be sufficient for one of the witnesses to the marriage to write the name of said party, which fact shall be attested by the solemnizing officer. (55a)”

Kung walang personal na paghaharap ang ikakasal sa solemnizing officer, hindi ito matatawag na pagsunod sa requirement ng marriage ceremony under the Family Code. Kung walang naganap na marriage ceremony ng naayon sa batas, ang tawag dito ay kasal sa papel kung saan ang kasal ay nirehistro lang sa NSO o Local Civil registrar na walang nagaganap na marriage ceremony at ang ganitong kasal ay isang void marriage na pwedeng ipa-annul sa korte.

Ayon sa Article 3 (3) ng Family Code, isa sa mga formal requirements ng isang valid na marriage ay ang pagkakaroon ng “marriage ceremony” kung saan sabay na humaharap ang ikakasal ng personal sa authorized solemnizing officer o sa mgakakasal tulad ng pari, judge, ministro at nagbibigay sila ng personal declaration na they take each other as husband and wife in the presence of not less than two witnesses of legal age.

Katulad ng sitwasyon ng reader na nagtanong sa E-Lawyers Online, kung ang mga kinasal ay humarap sa isang marriage ceremony kung saan ang religious rite ay kakaiba sa kanilang relihiyon, hindi ito matatawag na ground para ipawalang bisa ang kasal provided may marriage ceremony na naganap ng naayon sa Family Code.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa tamang pagpapakasal at kailangan na mga dokumento nito o sa tamang proseso ng annulment, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply