Pwede Bang Ipagamit Na Surname Ng Lehitimong Anak Ang Apelyido Ng Nanay At Hingi Ang Apelyido Ng Tatay?


 

“PWEDE BANG IPAGAMIT NA SURNAME NG LEHITIMONG ANAK ANG APELYIDO NG NANAY AT HINDI ANG APELYIDO NG TATAY?”

ANG LEGITIMATE O LEHITIMONG ANAK AY REQUIRED NG BATAS NA GUMAMIT NG APELYIDO NG KANYANG TATAY AT HINDI ITO PWEDE BAGUHIN O ALISIN O PALITAN NG APELYIDO NG NANAY AYON SA NEW CIVIL CODE. ANG ANUMANG PAGBABAGO SA APELYIDO NG ISANG TAO AY DAPAT DUMAAN SA PROSESO NG KORTE AT HINDI ITO MABABAGO HANGGAT WALANG DESISYON ANG KORTE DITO.

Ano ang apelyido o surname na dapat dalhin ng isang lehitimong anak? Marami ang nagtanong sa E-Lawyers Online kung pwede bang palitan ng apelyido ng nanay ang surname ng kanilang lehitimong anak at alisin ang apelyido ng tatay. Ganito ang tanong ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“After namin ikasal atty, nagka-anak kami and after 2 months nag-abroad na siya, naiwan kami mag-ina. Pero hindi naman nagtagal nagkahiwalay kami at hindi na nagpakita. Pwede bang palitan ko na ng apelyido ko dahil gusto ko sya kunin papunta sa abroad. ?”

Nasa Article 364 ng New Civil Code na ang legitimate and legitimated children shall principally use the surname of the father.

Article 364. Legitimate and legitimated children shall principally use the surname of the father.

Ito ay hindi pwedeng baguhin ng sinuman sa mag-asawa dahil lamang sa hiwalayan o kagustuhan ng isa sa kanila o dahil sa masamang ginawa ng tatay sa anak o asawa o pamilya niya. Dahil ginamit ng batas ang word ns “shall”, it means na ito ay mahigpit na kautusan ng batas at mandatory. Kung sakaling sabihin o ideklara ng ina na ang bata ay hindi anak ng lalaking asawa o siya ay nahatulan ng pakikiapid sa ibang lalaki na hindi niya asawa, ang pagpapalit ng apelyido ng tatay ay hindi rin pinapayagan ng batas under Article 167 ng Family Code:

Article 167 – The child shall be considered legitimate although the mother may have declared against its legitimacy or may have been sentenced as an adulteress.

Mababago o maalis lamang ang apelyido ng tatay sa kanyang mga anak kung may court decision dito. Ang pagbabago ng apelyido ng isang tao ay dapat dumaan sa proseso ng korte ayon sa Article 376 ng New Civil Code:

Article 376. No person can change his name or surname without judicial authority.

Kung gusto nyo magtanong ukol sa tamang paggamit ng apelyido o surname, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply