Pwede Bang Kasuhan Ang Paninira Saiyo Sa Private Message o Group Chat?


 

USAPANG CYBERLIBEL:

PWEDE MO BA KASUHAN ANG PANINIRA SAYO SA PRIVATE MESSAGE? SA GROUP CHAT?

May kaso ba na cyberlibel kung ang paninira at ginawa sa private message? Kung sa group chat?

Under Article 354 of the RPC, which states that;

“Every defamatory imputation is presumed to be malicious, even if it be true, if no good intention and justifiable motive for making it is shown, except in the following cases:

1. A private communication made by any person to another in the performance of any legal, moral or social duty; and

2. A fair and true report, made in good faith, without any comments or remarks, of any judicial, legislative or other official proceedings which are of confidential nature, or of any statement, report or speech delivered in said proceedings, or of any other act performed by public officers in the exercise of their functions.” (emphasize ours)

Malinaw sa batas na ang private communication o pribadong usapan ay isa sa mag depensa sa libel o cyberlibel kung meron siyang legal, moral at social duty sa pagsasabi nito. Ang private chat sa internet o text message ay masasabing depensa kung dalawa lamang sila na nasa chat. Kung ito ay group chat, ito ay maitutring na isang “public chat” kung saan ang libel at cyberlibel ay applicable.

Ayon sa Supreme Court case na Alcantara vs. Ponce, G.R. No. 156183, February 28, 2007:

“Publication in libel means making the defamatory matter, after it has been written, known to someone other than the person to whom it has been written. There is publication if the material is communicated to a third person. What is material is that a third person has read or heard the libelous statement, for “a man’s reputation is the estimate in which others hold him, not the good opinion which he has of himself.”

Kung ang private message ay sa pagitan lamang ng nagpadala at pinadalhan, hindi ito masasabing na publish dahil walang third party na nakabasa nito at hindi ito masasabing cyberlibel. Ngunit, ang mga nasabing private message ay pwede ring magamit bilang ebidensiya ng isang krimen, ang krimen na “unjust vexation”. Ang “unjust vexation” o hindi makatarungang pang-aasar o pang-iinis sa isang tao na walang dahilan na ipinahayag mula sa salita o kilos ay isang krimen under Article 287 Par. 2 ng Revised Penal Code. Ito ay pinaparusahan ng kulong ng Revised Penal Code:

ART. 387. Par. 2 “Any other coercions or unjust vexations shall be punished by arresto menor (imprisonment of one day to 30 days) or a fine ranging from 5 pesos to 200 pesos, or both.”

Sabi sa desisyon ng Supreme Court, ang “unjust vexation exists even without the element of restraint or compulsion for the reason that the term is broad enough to include any human conduct which, although not productive of some physical or material harm, would unjustly annoy or irritate an innocent person.” [Baleros vs. people, G.R. No. 138033, January 30, 2007] Sabi sa nasabing desisyon, as long as nakakairita o nakaka-inis ang ginagawa sa isang inosenteng tao, ito ay isang unjust vexation.

Kung ang private message ay hindi makatarungang pang-aasar o pang-iinis sa isang tao na walang dahilan, pwedeng kasuhan ang nagpadala ng private message ng unjust vexation.

Kung biktima ka o akusado, mag register ka sa www.lexmeet.com para madiscuss sa lawyer at mabigyan ng solusyon

Alamin mo ang rights at obligation mo sa batas as a victim o akusado sa cyberlibel at paano mo ipatutupad ito.


Leave a Reply