Pwede Bang Pilitin Ang Lalakeng Nakabuntis Na Pakasalan Ang Babae?


 

ANG ISANG VALID MARRIAGE AY ANG FREE CONSENT O MALAYANG PAGTANGGAP O PAGPAYAG NG IKAKASAL. KAILANGAN NA PAREHO SILANG MALAYANG PUMAPAYAG NA SILA AY IKASAL. KUNG ANG ISA SA IKAKASAL AY WALANG KALAYAAN NA PUMAYAG SA KASAL GAWA NG PAGPWERSA, PAGTAKOT O HINDI MAKATARUNGANG PAG-IMPLUWENSIYA SA KANYA, ANG KASAL AY DEPEKTIBO DAHIL WALANG FREE CONSENT.

WALANG BATAS SA PILIPINAS NA PWEDENG GAMITIN ANG ISANG TAO UPANG PILITIN ANG ISANG TAO NA MAGPAKASAL DAHIL ANG KASAL AY DAPAT MAY FREE CONSENT O MALAYANG PAGPAYAG NA IKASAL. ANG SAPILITANG PAGPAPAKASAL O PWERSADONG PAGPAPAKASAL O TINATAWAG NA “PIKOT” AY PWEDENG GAMITIN NA GROUND SA ANNULMENT OF MARRIAGE AT IPAWALANG BISA ANG KASAL NGUNIT KAILANGAN ITONG MAISAMPA SA KORTE SA LOOB NG LIMANG (5) TAON MULA SA PAGKAWALA NG FORCE, INTIMIDATION OR UNDUE INFLUENCE. ANG GROUND NA ITO AY HINDI MAGAGAMIT KUNG MAY NANGYARING “RATIFICATION” KUNG SAAN PAGKATAPOS NA MAWALA ANG FORCE, INTIMIDATION OR UNDUE INFLUENCE AY MALAYA AT BOLUNTARYONG NAKISAMA SIYA SA ASAWA. 

Marami ang nagtatanong sa E-Lawyers Online kung pwede bang pilitin ang lalaki na nakabuntis sa kanila na sila ay pananagutan at pakasalan. Ganito ang question ng isang reader:

“Atty., ako po ay nabuntis ng BF ko pero ayaw na niya sa akin at ayaw panagutan. Ang alam ko atty ay may obligasyon siya sa batas na pakasalan ako, pwede ba siyang pilitin na pakasalan ako?”

“Hello atty., nabuntis po ako ng kasintahan ko, pwede ko ba siya kasuhan ng rape para mapilitan siya na pakasalan ako? Valid ba ang marriage na yon if gagawin ko yon?”

Ayon sa Article 2 ng Family Code, ang ESSENTIAL REQUIREMENTS para magkaroon ng bisa ang isang kasal ay ang:

(1) Legal capacity of the contracting parties who must be a male and a female; and

(2) Consent freely given in the presence of the solemnizing officer.

Nasa Article 3 naman ng Family Code na ang mga FORMAL REQUIREMENTS upang magkabisa ang kasal ay:

(1) Authority of the solemnizing officer;

(2) A valid marriage license except in the cases provided for in Chapter 2 of this Title; and

(3) A marriage ceremony which takesplace with the appearance of the contracting parties before the solemnizing officer and their personal declaration that they take each other as husband and wife in the presence of not less than two witnesses of legal age.

Malinaw sa batas na isa sa mga importanteng requirement para maging mabisa ang isang kasal ay ang malayang pagpayag o free consent ng parehong ikakasal. Hindi lamang ang isa kundi ang dalawang ikakasal ay may malayang pagtanggap sa isat-isa bilang mag-asawa. Kung kaya, hindi pwedeng pilitin ang isang tao na magpakasal sa isang tao na ayaw niyang pakasalan. Walang batas sa Family Code of the Philippines ang nagbibigay ng karapatan sa sinumang tao na pilitin ang isang tao na magpakasal. Kung ang kasal ay ginawa ng walang malayang pagpayag ang isa sa mga kinasal, ito ay pwedeng ipawalang bisa sa korte kung ito ay may pananakot, pangpwepwersa o hindi makatarungang impluwensiya. Ang sapilitang pagpapakasal o pwersadong pagpapakasal gawa ng intimidation (pananakot) o force (pangpepwersa) o undue influence (hindi makatarungang impluwensiya) ay isang ground sa annulment of marriage at pwedeng ipa-annul sa korte ngunit kailangan itong mai-file sa loob ng five (5) na taon mula sa araw ng simula ng mawala ang pananakot o pwersa o hindi dapat na impluwensiya.

Ito ay nasa Article 45 ng Family Code. A marriage may be annulled for any of the following causes, existing at the time of the marriage:

(4) That the consent of either party was obtained by force, intimidation or undue influence, unless the same having disappeared or ceased, such party thereafter freely cohabited with the other as husband and wife;

Ang “pikot” na kasal ay ginagawang voidable marriage dahil wala ang isang essential requirement ng isa sa mga kinasal kung saan wala siyang malayang consent na binigay ng kinasal siya. Dahil dito, pinapayagan ng batas na ipawalang bisa ito kung nawala na ang force, intimidation o undue influence. Ngunit ang ganitong ground ay hindi na pwedeng gamitin kung may nangyari nang “ratification” kung saan nawala ang pananakot o pwersa o hindi dapat na impluwensiya at malayang nakisama ang taong tinakot o pinuwersa o naimpluwensiyahan sa kanyang asawa, hindi na siya pwedeng magsampa ng kaso. Ang malayang pakikisama ng asawa na tinakot, pinuwersa o inimpluwensiyahan pagkatapos mawala ang pananakot, pwersa at impluwensiya ay considered ng batas na pinagtibay na niya at pumayag na siya sa kasal kung kaya ang ground na ito ay hindi na pwedeng gamitin kung may ratification. At the first instance na nawala ang pananakot, pwersa at impluwensiya ay kailangan na niya magfile ng annulment sa korte upang maiwasan ang epekto ng ratification.

Ang kasal na walang record o hindi narehistro ang marriage contract sa National Statistics Office (NSO) ay mananatiling may bisa at valid na kasal. Ayon sa Supreme Court case na Mariategui vs. Court of Appeals, [G.R. No. L-57062 January 24, 1992] “the mere fact that no record of the marriage exists does not invalidate the marriage, provided all requisites for its validity are present (People vs. Borromeo, 133 SCRA 106 [1984])” Ang marriage contract na nakarehistro sa NSO ay isa sa mabisang ebidensiya ng kasal ngunit ang kawalan nito ay hindi nakakaapekto sa bisa ng kasal dahil ito ay mapapatunayan ng iba pang ebidensiya katulad ng picture, video, invitations, wedding announcements sa newspaper, testimoniya ng mga witnesses at ng solemnizing officers at iba pang dokumento katulad ng baptismal certificate at birth certificate ng mga anak [Sarmiento vs. Court of Appeals, 305 SCRA 138 (1999)].

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa annulment of marriage at kailangan na mga dokumento nito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply