Bakit Bawal Halikan Ang Baby?


BAWAL HALIKAN SI BABY
Payo ni Doc Herbal

Importante man ang pagpapakita ng pagmamahal para sa development ni baby, kailangang pag-isipang mabuti ng mga magulang ang pagpapahalik sa kanilang sanggol, sa mukha, o sa kahit anong bahagi ng katawan, lalo na sa bibig.

Hindi pa nga ang halik ng ibang tao ang dapat ipag-alala. Mga bisita, kaibigan, kaanak, at maski si Mommy at Daddy, Lolo at Lola ay pwedeng makapagdala ng panganib. Alam niyo bang ang paghalik ay isang siguradong paraan ng paglipat at pagkalat ng germs na maaaring magdala ng panganib kay baby?

NARITO ANG ILANG PINAKAMALUBHANG SAKIT NA POSIBLENG MAKUHA DAHIL SA PAGHALIK KAY BABY:

1. Herpes Simplex Virus (HSV)
Sa kahinaan ng immune system ng isang sanggol, hindi kakayanin ang sakit na dala ng cold sores. Kumakalat ang virus mula sa labi (dahil nahalikan) papunta sa buong katawan, kaya’t unti-unting manghihina ang sistema ng sanggol, na wala pang panlaban sa anumang sakit.

2. CAVITIES
Pwedeng mapasa ang Streptococcus mutans, ang bacteria na sanhi ng cavities sa pamamagitan ng paghalik lalo na pag sa labi. Ang pagsasalo ng pagkain, Pati na rin ang pag-ihip nito kapag mainit ay maaari ding makahawa ng cavities, kaya’t dapat iwasan.

3. Respiratory Syncytial Virus (RSV)
Ito ay umaatake sa baga kaya maaring magdulot ng hirap sa paghinga na maaring maging pulmoniya, isa pang fatal na kondisyon.

4. SIPON AT UBO
Alam ng karamihan sa atin na lubhang nakakahawa ang sipon at ubo lalo na sa pamamagitan ng paghalik. Kaya naman maging responsable nawa ang bawat isa, lalo na kung may sakit at iwasan nang lumapit sa baby.

5. Ang “KISSING DISEASE”
Mononucleosis, o “mono” ang tawag sa sakit na nakakamatay na maaring naipapasa sa pamamagitan ng paghalik. Ilan sa mga sintomas nito ay pagkakaroon ng lagnat, sobrang pagod, pagkahilo at magang lymph nodes ang ilan dito. Kapag sanggol ang nagkaron ng mono, maaaring sipon lang o runny nose at pagkabagot ang makikitang sintomas. Dahil viral ito, wala pang gamot dito at mahirap para sa murang katawan ng isang sanggol.

6. FOOD ALLERGIES
Nalilipat ang allergen sa pamamagitan ng paghalik lamang. Maaring ma trigger ang allergy ng isang sanggol lalo at hindi pa alam ang allergies niya mula sa mga maliliit na piraso ng kinain ng isang tao na maaring malipat sa pamamagitan ng paghalik.

7. PERTUSSIS O WHOOPING COUGH
Maaring maging mapanganib ito para sa bata lalo na kapag hindi pa nababakunahan o mahina ang dose ng bakunang naibigay sa sanggol.

8. HAND, FOOT AND MOUTH DISEASE
Maari ding mailipat ang enterovirus, ang sanhi ng hand, foot, and mouth disease, at dahilan ng paglabas ng mga sores o rashes sa kamay, paa at bibig ng batang tinamaan ng virus na ito.

Bilang mga magulang o mga taong nakakaalam ng panganib nito, tungkulin nating paalalahanan ang mga kaibigan at kamag-anak upang masigurado ang kaligtasan ni baby. Mas maigi nang mag-ingat kaysa magsisi sa huli.

Maraming paraan para maiparamdam sa mga sanggol ang labis na pagmamahal ng mga magulang at kaanak. Ngunit ang isang paraan para suportahan ang kalusugan ng bata ay ang pagtatakda ng patakarang: DI PWEDENG HALIKAN SI BABY!

 


Leave a Reply