Pwede Na Bang Kasuhan Ang Tsismosa at Tsismoso?


TSISMOSA AT TSISMOSO? KASUHAN MO!

Tsismis, mga gawa-gawang kwento upang siraan ang pagkatao ng isang tao dahil sa inggit, galit o walang dahilan. Masama yan! Hindi yan hobby na pinapayagan ng batas.

Ito ang mga kaso, criminal, civil at administrative cases, na pwedeng isampa sa mga tsismosa at tsismoso, basahin mo na at i-share mo para manginig ang tuhod.

1. Nachismis ka ba sa isang group chat, forum o Facebook groups, pwede mong kasuhan ng criminal case na Cyberlibel under R.A. 10175 na may kulong na 6 months and one day to 6 years imprisonment – pricion correcional in its minimum and medium periods;

2. Ang tsismis ba ay verbal o salita na kinakalat sa mga kakilala? Slander yan! o anumang sinungaling o walang katotohanan na paninira na ipinahayag mula sa salita o kilos na nakakasira sa isang reputasyon o karakter ng isang tao. Ito ay pinaparusahan ng kulong at isang krimen under Article 358 ng Revised Penal Code, na ang penalty ay pwedeng hanngang 6 years – pricion correcional in its minimum and medium periods;

3. Ang tsismis ba ay laban sa isang menor de edad? Child abuse yan o violation yan ng Section 10 ng Republic Act No. 7610 known as “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act” or “Anti-Child Abuse Act”. Ang kaparusahan sa Child Abuse ay usualy pagkakakulong ng 12 years.

4. Intrigero ba siya para siraan ang dangal at reputasyon mo? Nasa Article 364 ng Revised Penal Code of the Philippines ay nagsasabi na krimen ang “Intriguing against honor. — The penalty of arresto menor (1 day to 30 days of imprisonment) or fine not exceeding 200 pesos shall be imposed for any intrigue which has for its principal purpose to blemish the honor or reputation of a person.”

5. Ang tsismis ba sayo ay pagbintangan ka na gumawa ng isang krimen? Ayon sa Revised Penal Code, Article 363, Incriminating innocent person”, ang sinumang tao, not constituting perjury, na direktang pinagbintangan o isinama ang isang inosenteng tao sa paggawa ng isang krimen ay may parusang pagkakakulong na arresto menor (1 day – 30 days).

6. Ang tsismis ay pwede rin na maging kaso for civil case at humingi ng danyos o damages dahil nasa Article 26 ng New Civil Code on Human Relations ay nagsasabi na ” ang lahat ng tao ay dapat irespeto ang dignidad, personalidad, privacy o pagsasarili at kapanatagan ng pag-iisip o peace of mind ng kanyang kapit-bahay at ng ibang tao. Ang mga sumusunod at katulad na gawain na hindi matatawag na krimen pero pwedeng panggalingan ng karapatan upang magsampa ng kaso at pagbayarin ng danyos at iba pang pagbabawal ay:

(a) Pagsilip (Prying) sa privacy ng katabing bahay o tirahan:

(b) Pakikialam (Meddling) o pagdisturbo (disturbing) ang pribadong buhay o family relation of another;

(c) Pangiintriga (Intriguing) upang layuan ang isang tao ng kanyang mga kaibigan;

(d) Pangbubwisit (Vexing) o panghahamak/pangaalipusta (humiliating) ng isang tao dahil sa kanyang religious beliefs, estado sa buhay, lugar ng kapanganakan, physical defect, or other personal condition.

7) Tsismosa ba katrabaho mo? Usually, nasa mga company policy na bawal ang gossiping o intriguing against the honor of a co-worker. Pwede ito bumagsak sa serious misconduct or willful disobedience by the employee of the lawful orders of his employer or representative in connection with his work under Article 282 of the Labor Code at kasuhan siya ng kasong administratibo.

May evidence ka ba? Ano ba dapat mo gawin? Kung gusto nyo ng guidance, get legal advice online! Register at www.lexmeet.com.

DOWNLOAD the Mobile App on App Store for iOS mobile at: http://bit.ly/LexMeetiOS or Google Play Store for Android at: http://bit.ly/LexMeet

All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated


Leave a Reply