Sino Ang Dapat Na May Custody Ng Anak?


Isa ka ba sa parents na may child custody problem?

Sino ang dapat may custody ng anak, ang magulang na may pera o ang magulang na mapapalaki ng maayos ang anak?

May mga mag-asawa na naghihiwalay at nagsasabi na sa kanila dapat ang custody ng mga anak nila dahil sila ang mas maraming pera na kayang ibigay ang pangangailangan ng anak.

Meron naman nagsasabi na hindi lamang pera ang batayan para magkaroon ng karapatan sa custody dahil kailangan din ang magandang environment, pisikal na pagkalinga sa anak o proteksyon laban sa immoral activity. Basahin mo ito at nandito ang sagot.

Halina at alamin natin kung ano ba talaga ang nakalagay sa batas at pamantayan ng korte sa pagdedesisyon sa child custody.

ANG KUSTODIYA NG MGA LEHITIMONG ANAK AY PAREHONG BINIBIGAY SA MAG-ASAWA “JOINTLY” AT KUNG SILA AY NAGHIWALAY, ITO AY BINIGAY SA INA KUNG SEVEN YEARS OLD OR LESS ANG EDAD NG BATA UNLESS MAY COMPELLING REASON SIYA O HINDI KARAPATDAPAT. KUNG ANG BATA AY OVER SEVEN YEARS OLD, SILA AY PINAPAPILI NG KORTE SUBJECT SA CONDITION NA ITO AY MAKAKABUTI SA MGA BATA O KUNG ANG NASABING MAGULANG NA PINILI AY HINDI KARAPATDAPAT.

Unahin natin ang sa legitimate children, meaning, mga bata na pinanganak habang ang kanilang mga parents ay validly married o sila ay kasal. Ang post na ito ay hindi applicable sa illegitmate child o anak ng hindi kasal o under a void marriage.

Ayon sa Article 211 ng Family Code, ang kustodiya ng mga legitimate children ay parehong binibigay sa mag-asawa. Kung may hindi pagkakasundo, ang desisyon ng ama ang masusunod unless may desisyon ang korte laban dito. Ibig sabihin, parehas ang karapatan ng nanay at tatay sa kanilang mga lehitimong mga anak.

Paano kung magkahiwalay sila?

Ayon sa batas, particularly, Article 102 (6) ng Family Code, kung nagkahiwalay ang mag-asawa, automatic na sa nanay ang kustodiya ng mga lehitimong anak na below 7 years of age unless sabihin ng korte na may mabigat na dahilan laban dito o tinatawag na “compelling reason”.

Sa isang kaso sa Supreme Court na entitled Tonog vs. Court of Appeals [G.R. No. 122906, February 7, 2002], ang “compelling reason” kung saan pwede madeprive ang ina ng custody ng anak ay neglect, abandonment, unemployment and immorality, habitual drunkenness, drug addiction, maltreatment of the child, insanity, and affliction with a communicable illness.

Ayon sa Family Code, Art. 213. In case of separation of the parents, parental authority shall be exercised by the parent designated by the Court.The Court shall take into account all relevant considerations, especially the choice of the child over seven years of age, unless the parent chosen is unfit. 👎

Kung may pinili ang mga anak kung kanino sila sasama, pwede rin ba ito baguhin ng korte? Ang sagot ay YES!

Ano ang pamantayan ng korte para sabihin na hindi karapatdapat na ibigay ang custody ng bata sa kanyang magulang na pinili?

Ganun din, ang piniling magulang ng bata na gusto niya makasama ay hindi automatic na mapupunta ang custody sa nasabing magulang na napili dahil ang korte pa rin ang may final na decision kung kanino siya dapat mapunta ng naayon sa pinakamabuting kapakanan ng mga bata.

Sa isang Supreme Court na kaso, [Bondagjy vs. Bondagjy (G.R. No. 140817. December 7, 2001)], sinabi ng Korte Suprema na ang pinakamahalagang konsiderasyon sa custody cases ay ang kapakanan ng mga bata o welfare of the minors. Ayon sa Supreme Court, ang kakayahan ng parent o magulang upang maibigay sa kanya ang custody ng kanyang mga anak ay kailangang may:

[1] kakayahan na makita at maayos na physical, educational, social and moral welfare of the children, and

[2] kakayahan na mabigyan ang mga anak ng malusog at maayos na kapaligiran o titirhan kasama na ang physical and financial support taking into consideration the respective resources and social and moral situations of the parents.

Samakatuwid, hindi lang pera o financial status ng parent ang batayan sa child custody. Financial status ng parent ay isa lamang sa mga important factors para sa child custody.

Kung gusto nyo ng lawyer para masolve ang child custody problem o magtanong ukol sa child custody kailangan nyo ng tulong sa pag-prepare ng documents, register at www.lexmeet.com.

DOWNLOAD the Mobile App on App Store for iOS mobile at: http://bit.ly/LexMeetiOS or Google Play Store for Android at: http://bit.ly/LexMeet

Note: All copyright of this revised post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Original post is owned by Batas – Its Good to Know. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.


Leave a Reply