Pagsasalamin Sa Salitang Pamilya

Isa akong OFW dito sa bansang Taiwan. Manggagawang nangangarap na maibigay ang maalwan na buhay para sa pamilya. Ang iwanan ang buhay na aking nakagisnan ay isang napakalaking hamon na sa simula puro agam-agam, takot at pagkabalisa ang pumuno sa aking kamalayan. Mahirap isantabi ang prinsipyong sa simula ay akin ng ipinaglalaban ito ang pagsilbihan

Para Lang Sayo

Yapos ng init ng iyong pagmamahal,Busilak ng kalooban nararamdaman,Ang masukal na daan, tinabunan,Pinunan ng pag-ibig na dalisay. Minsan hindi maiwasan magtanong,Karapatdapat pa bang sa pedesdal mailagay,Ihilera sa gintong kumikislap sa kinang,At maibalik ang ninakaw na dangal. Para saiyo hindi kailangan ng materyal na bagay,Upang pag-ibig ay mapagtibay,Para saiyo tiwala at respeto ang gagabay,Sa pagtahak ng

Hawla

NakagaposSa dilimNg nakaraangNakakarimarim Ito na ang liwanagNaaaninagKumikislapNangungusap Ngunit sadyang mahirapTumayoBumangonSa pagkakasadlap Ang mapanuring mataNakamadyagNag-aabangAt anumang orasSusunggab Pipiliin ba ang sayaO magpapatianod sa sabi nila?Aangkinin ba ang ligayaO mananangis na mag-isa? ito ang hawlabinuksan ng isang abapintuan ay di na nakasarangunit bakit paglaya ay wala pa?

Tigmak

Umuulan Pumapatak ang luha Umaagos ang paghihinala Sa nangyayaring sarili ang may sala. Sa mga kamay Ang susi ay hawak Upang makalimot Makawala Makatakas At makuha ang gantimpala Ngunit ayaw pumiglas Ng sandamakmak na emosyon Gustong sumubok Pag-igihan Subalit isang kahibangan para sa iba Ang daming maskara ang gustong palayain Ngunit mas mabuting sarilinin Ang

Paano Ko Susukatin AngPamilya?

Paano ko ba susukatin sa sarili kong pananaw ang salitang pamilya? Dahil lang ba sa dugong nanalaytay at nag-uugnay sa amin o kasali ang mga taong gumabay/ humubog sa aking pagkatao? Maaga akong naulila sa Ama. Isang tao ang itinuring kong Papa sa lahat ng aspeto. Lahat ng paggalang at salitang respeto sa kanya ko

Ganap Na Kasiyahan

The Emcee Vina Morales at Mark Bautista Vina Morales, Mark Bautista at Giselle Sanchez Ate Liza at Ate Edith The Gang habang nag-aantay ng service papunta sa venue Entrance of Taoyuan StadiumNoong nakaraang Linggo ay isang malayang araw para sa isang tulad kong OFW. Kasabay nito ang pagdiriwang ng Philippines Independence Day sa Taoyuan Stadium

Maari Pa Ba?

Pahabol na talata… Bawat araw na dumarating sa aking buhay ay isang kabanata na hindi ko tiyak saan mag-uumpisa. Anong bantas ang dapat kung gamitin o kaya’y anong mga bagay ang nararapat kung yakapin. “Kailan ka magigising Gumamela?” tanong ng isang napakalapit na tao sa akin dito sa Taiwan. Pinipilit kong kayanin pa ang lahat

Panibagong Kabanata

“Mula sa masalimuot kung nakaraan, pilit kung tinakasan ang mga bagay bagay na lalong nagpalugmok sa aking pagkatao. Hinarap ko lahat ngunit di pa rin maiwasan na sa bandang huli masakit ang katotohanan” Ang katotohanan na ito ang nagpalaya sa aking pagkakagapos sa mga agam-agam. Matagal na rin akong hindi nakakapagsulat ng entry ko dito

Hindi Lahat

May hangganan din ang pagtitimpi ng Gumamela,Hindi lahat titiisin kahit sobrang sakit na,Hindi lahat pikitmatang kakayanin upang ikaw ay sumaya,Hindi sa lahat ng pagkakataon ikaw ang ligaya. Tao din akong nasasaktan,Bawat salitang iyong binibitiwan ay isang punyal,Sa aking pagkatao, sa aking nilalakaran,Kailan ba ang huli at totoong wakas? Iniinda ko ang sakit sa pamamagitan ng

Come Fellow OFW’s, Vote With Us

For decades, we’ve been lauded as “Bagong Bayani” as a recognition by the same government who has caused our mass exodus into foreign lands. Let’s breathe the title of modern day heroes and accept its appended challenges and responsibilities. Despite our distance and diversity, we take pride in being a part of the Filipino abroad’s