Sponsored Links
Advertisement

Apat na Daga sa Himpapawid


Isang kwento ng apat ng makakaibigan, iba-iba ang personalidad pero sila ay nagkakaintindihan, sama-samang nilalakbay ang hiwaga ng pagiging OFW, nagkakaisang binabagtas ang daan malayo sa pamilya at bayang sinilangan.

Una kong nakilala si Dagang Mapanglaw. Sa confe yata un ng isang grupo. ‘Di ko alam nagmamasid lang pala siya, nakikiramdam. Tapos tinanong nya ako if pwd makuha ym, sabi ko naman “feel free to add me” pero ‘di ko expected na makulet pala siya. Nakipag usap siya sa akin, araw-araw, sa una tinarayan ko pa siya pero sa kalaunan ang dagang mapanglaw naging masaya. sabi nya mag blog ka, “sa isip ko anu un” binigay nya sa akin ang link, iyon ang simula na adik na yata ako sa blogging.

Una kong dinalaw ang blog ni Dagang Tatay, hanep! nakita ko si Debed Kuk, kasama nila sa pictures, natawa ako sa way ng pagdeliver nya ng ideas, nakakawala ng stress, sa kalaunan naging ka blog ko na, taga puna, taga ayos ng page ko. Siya din naka hot seat sa akin, point blank-blank. Sa kalaunan tinatawag ko ng Prof Jhimbo.

Sumunod si Dagang Vietkong, tahimik. misteryoso ang dating. Bihira magsalita, pero may laman ang sinabi sa akin AMAW DAW AKO! “di ko alam ano ibig sabihin ng salitang yon, pero okey lang at least unique sa pandinig ko. Anu man ibig sabihin nun flaterd ako (hahaha).

Pang apat kong nakilala si Dagang Matinik (hahaha). Makulet, super! madaldal, mag pm nya sa akin gumugulong na tawa tapos madaming hahahahaha. Sabi nya binata daw siya pero apat na ang anak puro panganay (may misis uno,dos,tres & kwatro). Sabi nya mahal nya ang pamilya, iba daw ang original, dun at dun pa rin siya babalik. May bago akong natutunan sa kanya ing-ing naman daw ako. ‘di ko rin alam ano ibig sabihin pero ayos lang basta sila lang tatawag ng ganun sa akin kasi pag iba na ‘di na ako flaterd baka sapuk ang abot sa akin (as if kaya ko naman).

Nakilala ko sila sa ‘di sinasadyang pagkakataon, sa panahong ‘di ko rin inaasahan ngunit nagpapasalamat ako dahil buong puso nila akong tinanggap, tinuring na kaibigan. Magaan ang loob ko sa kanila, feeling ko anuman at sinuman pwede kong sabihin sa knila. Ang apat na eto magiging kaibigan ko ‘di lang sa blog,’di lang sa chatroom kundi kaibigan ko sa aking puso, sa totoong salitang barkada. Sila ang bumubuo ng blog world ko, sila nagbibigay inspirasyon pag malungkot na ako. Nararamdaman ko ang totoong concern nila sa akin, spoiled nga yata ako sa kanila (baka masanay na ako).


Saludo ako sa apat na daga sa himpapawid, nagbibigay pugay ako sa lahat ng oras na binibigay nila sa akin. Sa kanila hindi ko kailangan makinig lang, sa kanila hindi ko kailangan itago ang tunay kong nararamdaman at hindi ko pa sa kanila narinig ang salitang mali ka o masama yan. Lagi nilang pinalalakas ang loob ko pag ako’y pinanghihinaan. Paano ko ba sila ‘di pahahalagahan, araw-araw sila kausap ko, until midnight may time sila sa akin. Pinapatawa nila ako, sila na halos bumubuo ng araw ko. Hindi ako mahilig makipagkaibigan sa lalake pero sila nakuha nila ang loob ko siguro dahil totoo silang tao.

May kokontra ba? Magbasa lang kayo, blog ko ‘to! (hahaha)


Salamat!


5 Comments

  1. bomzz March 1, 2009
  2. Lord CM March 1, 2009
  3. ching March 2, 2009
  4. Anonymous March 4, 2009
  5. Joe September 6, 2009

Leave a Reply