Sponsored Links
Advertisement

Bukas Na Katotohanan




Kahapon, kumain kami sa Brother Hotel & Restaurant around Taipei. Umorder ako ng gusto kong pagkain, ganun din si Yiyeh iyong alaga ko ( 96yrs old) a cancer patient pero nagchechemo siya. So far, sabi ng Doctor he’s stable kaya allowed kami gumala ng alaga ko.

Masaya ako kasi nakikita ko ang eagerness ng alaga ko na makita ulit ang ibang sorroundings, makapamasyal, after 6 months confinement sa Hospital. Nakakain na niya lahat ng gusto nya, nakakapnta kami sa bookstores, library, parks & mall.

Pero kahapon iyong saya ko nabahiran ng lungkot dahil sa nakita kong kapwa ko OFW. Paano siya tratuhin ng boss nya. ‘Di ko malunok ang pagkain, mga fav ko na pagkain sa harapan ko, awa ang nagingibabaw sa akin. Isang Filipina, nakatayo sa gilid ng table ng nagkakasayahang pamilya. Parang posteng nakatayo lang, hindi maalok ng pagkain samantalang ang dami naman pagkain sa table nila. Hindi ko lubos maisip bakit ganun ang treatment nila, tao din iyon, may pakiramdam, nahihiya, nasasaktan & may pride din naman. Gusto ko siyang lapitan, alukin ng pagkain pero ‘di ko magawa kasi baka pagmulan pa iyon ng sanga-sanga niyang problema.

Isipin nyo nalang, nakatayo siya sa isang tabi, buti sana if pinaupo man lang, kahit tea di rn mabigyan ng mga waitress. Kapag inuubo iyong alaga nya lalapit siya, pupunasan, tulad ng pagmamalasakit ng isang nagmamahal na kasambahay pero siya asan ang konsiderasyon ng kanyang Amo? Alam kong Pinay siya kasi pasimple ko siyang tinanong, tumango lang siya & pasimpleng ngumiti pero sa ngiti niya mababanaad ang takot na baka mahuli ng amo.

Napaisip ako ng husto, ito ba talaga ang realidad na dapat pagdaanan ng ibang OFW para maibigay ang magandang kinabukasan sa pamilya? Kapalit ba ng dolyar ang dignidad bilang isang tao? Alam ba ng pamilya sa Pilipinas ang tunay na pinagdadaan o sadyang itinatago lamang sa larawan na nakangiti, magandang kasuotan at pekeng halakhak kapag sila’y nakakausap? Hindi ko lubos maisip na may ganito pala talaga, nakita ko. OO, madami akong nababasa na mas masahol pa dito ang sitwasyon, ngunit iba pala sa pakiramdam na ikaw mismo ang nakasaksi, nakakita. Ramdam ko ang dinadala ng taong iyon. Nasa publiko na nga silang lugar ganun pa siya ituring paano na kaya kung nasa loob ng bahay? Iyong walang nakakakita, anu pa kaya ang pagtrato nila? Tanging siya lang ang nakakaalam…


6 Comments

  1. Kosa March 29, 2009
  2. Mr. Thoughtskoto March 29, 2009
  3. Lord CM March 30, 2009
  4. r-yo March 30, 2009
  5. Bhing March 30, 2009
  6. Anonymous November 14, 2009

Leave a Reply