Sponsored Links
Advertisement

Pagpapasya



Walang permanente sa buhay kundi pagbabago. May mga bagay na gusto nating hawakan, manatili pero sa pag ikot ng araw sadyang umiiba at nagbabago sa ayaw at sa gusto natin. May mga pangakong sinusubok ng pagkakataon, nadadala sa agos ng kapalaran, nabubulag sa ligaw na nararamdaman & siguro may sadyang kahit gaano natin gusto hawakan ang bagay kusa itong aalpas sa ating mga kamay.

Ang makatarungan & masusing pagpapasaya daw ang magiging susi sa payapang kalooban. Sa bawat disisyon na bibitiwan kailangan isang guni sa isip & puso. Milyong beses na pag isipan at pag aralan ang sitwasyon. Ngunit sa sarili kong pananaw mahirap ang magpasaya lalo na kung napaka komplikado ng isang sitwasyon. Iyong pakiramdam na ayaw mo na, gusto mo ng tumalikod ngunit may kirot ng panghihinayang o kaya’y hawak kamay mo na ang isang bagay ngunit andun ang takot na baka magkamali ka ulit. Sabagay paulit-ulit lang nmn daw, madadapa, babangon, sasaya, luluha, may umpisa & wakas.

Nitong nagdaang araw madaming nagpabago sa aking pananaw. Inisip ko bawat anggulo na dapat kung baguhin, talikuran, tanggapin, & dapat kung makasanayan. Dinala ako sa pagkahungkag, agam-agam, at takot. Lahat na yatang emosyon naramdaman ko sa linggong ito. Paano ko ba tatanggalin ang takot? Paano ko ba kakalimutan ang kirot? Sabi ng isa dyan, kng nagmamahal ka daw ng totoo, ung pagmamahal na iyon ang magdadala sa akin sa assurance na gusto kong maramdaman. Ngunit sabi naman ng kaibigan ko, bakit ka susugal ulit kung nagdududa ka pa rin?” Iyang duda na yan makakasira ng lahat, magtiwla ka.”sabi naman ng akin puso pero iyong isip ko minsan natatalo talaga ng puso. Naalala ko tuloy sa librong nabasa ko, PAANO DAW KUNG ANG PUSO MAY SARILING UTAK, O KAYA’Y ANG ISIP MAY SARILING PUSO? Di ba pwedeng gamitin sila ng pantay?

Paano ba magmamahal, masasabing tunay ang nararamdaman? Sabi ng kausap ko kagabi, ang pagmamahal daw ay pagpaparaya. Kahit gaano daw nya kamahal kung hihingin ang paglaya bibigay nya. Napa wow ako kasi bibihira ko marinig ang sagot na ganun, ngunit habang hinihimay ko napaisip ako. Nagmamahal nga ba siya para masabi iyong ganun O sadyang malalim lang ang pang-unawa nya sa salitang pag-ibig? Sa isang relasyon ba kung bibitaw na ang isa kailangan bang umayaw na rin ang isa? O kailangan pang ipaglaban? Alam ko sasagot nyo depende.

Siguro ito ang hiwaga ng buhay na hindi natin masasagot hanggat wala ka sa sitwasyon. Ito ang hiwagang dapat kung tuklasin na sadyang panahon lang makakapagsabi sa akin kung aling landas ang dapat kong tahakin. Sabi naman ng Mama ko sa bawat pagpapasya na aking gagawin dapat kaya kong panindigan, iyong daw ang magsusukat ng totoo kong karakter, ng aking pagkatao.

Sa lahat ng aking pagkalito, sa lahat ng pinagdadaan ko, alam ko ‘di ako bibitaw basta basta kasi andyan ang aking pamilya.


8 Comments

  1. A-Z-E-L March 22, 2009
  2. Kosa March 22, 2009
  3. The Pope March 22, 2009
  4. Bhing March 23, 2009
  5. payatot March 24, 2009
  6. Bhing March 25, 2009
  7. =supergulaman= March 28, 2009
  8. Bhing March 28, 2009

Leave a Reply