Sponsored Links
Advertisement

Nangangamba


Kahapon (Good Friday) isang masamang balita ang nagpagulantang sa akin, 12pm naaksidente ang Kuya ko (motorcycle crashed). Sobra akong nabahala, natakot, & nanlumo sa detalyeng binigay nila sa akin. Isinugod daw sa municipal clinic sa aming lugar pero hindi kaya gamutin kaya dinala sa Eastern Bicol Medical Center (EBMC) kung saan ito na ang pinakamalaki & respetadong hospital sa aming probinsya. Ngunit isang balita pa ang lalong nagpalumo sa akin, ‘di nila kayang lapatan ng lunas ang sitwasyon na natamo ng aking Kuya. Hindi rin kayang idala agad sa City sa kadahilanang Holy week, walang byahe ferry boat o maging sa himpapawid. At kung may biyahe man sa eroplano Virac to Manila lang ang ruta. Sa dagat naman aabutin ng 6 to 8 na oras bago makarating sa Legaspi City.

Hindi ako mapakali hanggang ngayon, wala pa akong makausap na makakapagbigay ng detalye sa akin ng totoong sitwasyon pero kahapon sabi ng Doctor expect the worst kc sa left side of the skull ang tama & may bali ang shoulder. Hindi rin nila maampat ang dugo na lumalabas sa tenga ng kapatid ko. Napapraning na ako sa kakaisip.

Aaminin ko may konting gusot kami ng Kuya ko, hindi naman kami nag away pero my cold war (too personal) Ngunit kahapon ng nalaman ko ang nangyari, lahat ng hinanakit ko nawala, napalitan ng pagmamahal, pag aalala, & pagsisi. Lumaki akong Kuya ko ang kasama, nakuha ko sa kanya mga mannerism ko, idol ko ‘yon, lahat ng alala biglang sumagi sa aking isipan. Andyan turuan nya ako mg boxing, pakalbo nya ako ng bata pa ako kasi gusto nya lalake ako, madaming memories nun kabataan ko. Nag-iisa ko lng siyang kapatid na lalake. Nalulungkot ako sa nangyayari, sana hindi pa huli ang lahat. Pasensya na sa makakabasa nito, hindi yata maayos ang format ko, nawiwindang pa ako.

Ipinagkakatiwala ko sa Kanya ang lahat. Mananalig kami & mananampalataya sa Kanyang kapangyarihan.

========================================================


April 12, 2009

Nagkamalay na ang Kuya ko. Series of lab test will be done, nasa panganib pa rin pero may assurance ang Doctor na he could make it. So far operation is not yet determine, under observation pa daw. tnx sa lahat ng nakiisa & nagdasal.


19 Comments

  1. A-Z-E-L April 11, 2009
  2. Bhing April 11, 2009
  3. JEE April 11, 2009
  4. The Pope April 11, 2009
  5. Tutubi April 11, 2009
  6. DETH April 11, 2009
  7. poging (ilo)CANO April 11, 2009
  8. Kosa April 11, 2009
  9. Bhing April 12, 2009
  10. BlogusVox April 12, 2009
  11. Desert Aquaforce April 12, 2009
  12. Mr. Thoughtskoto April 13, 2009
  13. Bhing April 13, 2009
  14. Nebz April 13, 2009
  15. denzmeister April 13, 2009
  16. ENJOY April 13, 2009
  17. I am Xprosaic April 14, 2009
  18. Dylan Dimaubusan April 15, 2009
  19. Kichiieee April 15, 2009

Leave a Reply