Sponsored Links
Advertisement

Kisapmata




inakalang hindi mahal,
nagtampo at iniwan,
puso’y sinugatan,
sarili ay hinusgahan.

sa isang sulok nagkukubli,
tinatago ang pagsisisi,
nananangis, nagmumukmok,
inisip paano ibabalik.

katotohanan bumulaga,
pagmamahal hindi matatakasan,
pilit mang ibaon,
kusang dadagundong.

maheka ang dala,
sagot sa pusong nagdurusa,
sa panahon ng pag-aalala,
nasasalamin pag-asa.

subalit sa palingon,
andun ang katotohanan,
nararamdaman pipigilan,
lilimutin ang pagsinta.

sa isang kisapmata,
sa isang hudyat,
ito ang itinakda,
maglalakbay na nag-iisa.


11 Comments

  1. EǝʞsuǝJ May 10, 2009
  2. lenz May 10, 2009
  3. The Pope May 10, 2009
  4. Lord CM May 10, 2009
  5. A-Z-E-L May 10, 2009
  6. bomzz May 11, 2009
  7. HARI NG SABLAY May 11, 2009
  8. Mr. Thoughtskoto May 31, 2009
  9. Rolly May 31, 2009
  10. sweetham June 5, 2009

Leave a Reply