Sponsored Links
Advertisement

Tinig ng Pakikiisa


“Hindi namin kailangan ang papuri ng isang MIKE AVENUE o parangal ng gobyerno ngunit hangad namin ang RESPETO ng kahit sino sa pagigi naming OFW”


Pinag-isipan ko kagabi kung kailangan kung sumagot sa paratang ng isang bloggero. Noong una kung nabasa iniisip ko blog nya iyon, karapatan nya magsualt ng gusto niya ngunit sa ikatlong beses kong pagbabasa aking napagtanto na isa ako sa OFW na simple lang ang hangad sa kapwa tao RESPETO.

Aaminin ko isa ako sa tagahanga ng kanyang obra lalo na mga tula, very vocal din ako sa pagsasabi na magaling siya gumawa ng tula (at least sa pananaw ko) Ngunit ang entry niya kahapon nagpabago ng lahat. Wala ako sa sitwasyon para humusga sa kanyang opinion o kuro-kuro, o komontra sa nais niyang ilagay sa blog pero nakikiisa ako sa lahat ng OFW na nasaktan dahil sa pansariling entry.

Madaming rason bakit kami nasa bansang banyaga, o kahit pa sabihing kaya kami nasa dayuhan dahil sa PERA o pansariling interes wala pa ring may karapatan para ibaba ang tingin sa amin, walang sinuman ang may karapatan na ilublub o maliitin ang aming pagkatao kasi tulad nyo rin kami. Nagmamahal sa bayan, nagmamahal sa pamilya, at nangangarap nang magandang bukas. Kahit nasa banyagang lugar kami dala pa rin namin ang pagigi naming makabayan, buong puso naming ipinagmamalaki na kami ay isang Pilipino. Pinagbubutihan namin ang aming trabaho para sa ikakaangat ng lahing Pinoy, dala namin ang dunong at kapasidad ng pagiging dugong Pilipino. Kung may mga pagkakataon man may ilang OFW na mas mahal na nila ang banyagang lugar, (sinu tayo para husgahan sila?) Sana wag lalahatin kasi ako bilang OFW may ambag pa rin sa lipunan.

Inambisyon ko bang matawag na bayani? Taong bayan mismo ang nagbigay ng bansag na yan, hindi kami, hindi namin hinangad mas lalong hindi namin hiningi. Respeto at pang-unawa ang aming dinadaing, dinadasal na sana kami na ang huling OFW na lalayo sa bayan. Na sana kami na ang huling sandata ng gobyerno para maiangat ang ekonomiya.

Isa akong aktibista dyan sa Pilipinas, halos nagi kong tahanan ang kalsada. Ang pagluwas ko sa bansa ay malaking hamon sa aking pagkatao ngunit pikit mata kong kinaya para sa aking pamilya. Sa pagigi ba naming OFW nangangahulugan na hindi na namin mahal ang bansa? Sa pagigi ba naming OFW nangangahulugan na traydor na kami sariling bayan?

By the way, ito ang ambag ko sa pagiging OFW. Nabigyan ko ng magandang kinabukasan ang aking kapatid & pamangkin. Pwede ko naman silang papag-aralin na hindi lumuluwas ng bansa ngunit hindi ko sila mapagsasabay sa kolehiyo at hindi ko maibibigay ang kursong gusto nila. Pera nag lang ba ang dahilan? sasagot ako ng HINDI, kasi kaya ako lumuwas ng bansa dahil sa pagmamahal ko sa aking pamilya.

Bunso kong kapatid, Bachelor of Science Nutrition Dietecians (BSND) (2006)

Panganay kong pamangkin Bachelor of Science Office Administration (BSOA) (2007)


16 Comments

  1. The Pope June 3, 2009
  2. Lord CM June 3, 2009
  3. Kosa June 3, 2009
  4. DETH June 3, 2009
  5. EǝʞsuǝJ June 3, 2009
  6. A-Z-E-L June 3, 2009
  7. lenz June 3, 2009
  8. Yodz June 3, 2009
  9. Mr. Thoughtskoto June 3, 2009
  10. Ching June 3, 2009
  11. Anonymous June 3, 2009
  12. bomzz June 3, 2009
  13. Anonymous June 3, 2009
  14. ann June 3, 2009
  15. Bhing June 3, 2009
  16. Jessie June 4, 2009

Leave a Reply