Sponsored Links
Advertisement

Pagwawakas


Ang takdang panahon ay sumapit,Kahit na mahirap, mata’y ipipikit,Pangakong inilalatag at sinasambit,Hindi na madadala o makikinig.
Balde ng luha ang nawala,Sakit na pinadama walang kapara,Ang panloloko sa isip hindi mawawala,Sarili nanlumo, nanghina at dapang-dapa.

Iiwanan ang kahapon, hindi na babalikan,Ang pagtalikod gagawin na ng tuluyan,Iiwasan lumingon sa gitna ng laban,Sa piling mo pipiliting kalimutan.
Ang kwento lalagyan na ng tuldok,Libro isasara, kakalimutan ang dagok,Muling tatayo aakyat sa tuktok,Sa itaas ang punta hindi pabulusok.
Pipiliting mag-umpisa na masaya,Kakalimutan ang bakas ng trahedya,Mamahalin ang sarili ng walang nagmamanipula,Pagkatao bubuuin ng may takot sa Kanya.
Sa pagwawakas aral ay napulot,Sarili ingatan at ‘wag ilublub,Ipaglaban ang karapatan sa taong baluktot,Huwag hayaang mapuwing ng alikabok.


20 Comments

  1. lenz July 6, 2009
  2. Bhing July 6, 2009
  3. Ching July 6, 2009
  4. Bhing July 6, 2009
  5. Emel July 6, 2009
  6. Manang Dyi July 6, 2009
  7. Bhing July 6, 2009
  8. Bhing July 6, 2009
  9. poging (ilo)CANO July 6, 2009
  10. Bhing July 6, 2009
  11. rodel July 6, 2009
  12. A-Z-E-L July 6, 2009
  13. A-Z-E-L July 6, 2009
  14. Bhing July 6, 2009
  15. bomzz July 6, 2009
  16. Bhing July 6, 2009
  17. Emel July 7, 2009
  18. Crisiboy July 7, 2009
  19. Bravedier July 9, 2009
  20. Bravedier July 11, 2009

Leave a Reply