Sponsored Links
Advertisement

INSPIRING BLOG AWARDEE


Kahapon may nagpadala ng mensahe sa akin sa YM, tinatanong niya ako kung nakuha ko na daw ang badge. Hindi ko maintindihan ang sinasbai niya kasi una hindi ako aware na makakatanggap ako o mapapasali sa mga mapipili nila. Ang daming deserving na matagal na sa blogshere pero sobra akong natuwa na napasama ako.

Una, matagal kung binasa ang mga nanalo & saang kategorya sila napabilang, iyong iba hindi ko kilala kaya minarapat kung bisitahin ang kanilang pahina. Maraming beses ko pinag-isipan ang nakuha ko INSPIRING BLOG…Dinala ako sa malalim kung pag-iisip ito ba ay isang sign na galing sa KANYA o sadyang nagkataon lamang? Sa hirap ng pinagdadaanan ko naisip ko ng huminto magsulat o mag blog. Kaya napatanong ako sa sarili ko sa dami ng pwedeng mapunta sa akin na kategorya bakit sa INSPIRING BLOG PA.

Ang totoo minsan pag nag-iisa ako masyado na akong pinanghihinaan ng loob. Maraming kawing-kawing na katanungan sa aking isipan na patuloy kung hinahanapan ng sagot. Kaya noon makita ko ang award, sobra akong natouched. Sa kabila pala ng mga nangyayari may magandang bagay pa akong dapat ng ipagpunyagi dahil may mga taong naniniwala pa rin sa aking kakayahan. May mga taong handang magpasaya sa akin at bigyan ng katuturan ang munting bagay na naiaambag ko sa blogsphere.

Ako ang nainspire nyo, ako ang nabigyan nyo ng pag-asa na ituloy ang nasimulan. Aking hahawakan ng mahigpit ang lakas na inyong binigay at patuloy na pagbubutihan ang pagsusulat. Maraming salamat sa lahat ng bumubuo ng KABLOGS. Isa kayo sa magsisilbing inspirason ko para ipagpatuloy at mas lalo pang pag-igihan ang pagsusulat. Tinatanaw kung malaking karangalan ang mapabilang sa ganitong klase ng patimpalak.

Mabuhay tayong lahat!


12 Comments

  1. Dyi August 18, 2009
  2. Lord CM August 18, 2009
  3. A-Z-E-L August 18, 2009
  4. DETH August 18, 2009
  5. Kosa August 18, 2009
  6. Mr. Thoughtskoto August 18, 2009
  7. I am Xprosaic August 18, 2009
  8. Rej August 19, 2009
  9. Life Moto August 19, 2009
  10. The Pope August 19, 2009
  11. Everlito (ever) Villacruz August 20, 2009
  12. Arvin U. de la Peña August 22, 2009

Leave a Reply