Sponsored Links
Advertisement

Ang Daan


Saan dadalhin ng mga paaSa harapan nakahilera,Ang pasakit,Ang pagnanasa. diretso,liko-liko’maputik,sementado,
Isip tuliro,Nangungutya ang diwa,Kinukutkot ang saya,Ng tigmak na pag-asa.
Sa isang pagpapasya,Ang daan kumitid,Naging baku-baku,At nabulid sa dusa.
Naghihikahos na kalooban,Kinikitil ang gintong butil,Tinatabunan ng mapangahas,At ganid na pagmamaniobra.
Sa daan makikita,Ang madlang dilat ang mata,Namamalimos ng konting awa,Sa kapwa aninong masama.
Sa isang banda,Isang salo-salong hudyat ng simula,Masaya ang halakhak,Ng maskarang lumuluha.
Subalit batingaw ng kampana,Dumagundong sa memorya,Tamang daan mahirap,Ngunit itutuloy ang paghakbang…
Aabangan ang susunod na kabanata!


13 Comments

  1. Mike Avenue September 9, 2009
  2. DETH September 9, 2009
  3. bizjoker-of-the-philippines September 9, 2009
  4. Bhing September 9, 2009
  5. A-Z-E-L September 9, 2009
  6. Bhing September 9, 2009
  7. RUEL September 10, 2009
  8. Lord CM September 10, 2009
  9. Bhing September 10, 2009
  10. Bhing September 10, 2009
  11. Bhing September 10, 2009
  12. Rej September 10, 2009
  13. Bhing September 10, 2009

Leave a Reply