Sponsored Links
Advertisement

OFW AKO


Tsai family, lahat ng anak na yan sa USA na nakatira. Ipinagkatiwala nila sa akin ang pag aalaga sa nanay nila.

5 yrs ko siyang inalagaan. Lahat ng responsibilidad sa akin nakasalalay. Sa kamay ko siya nawalan buhay, hindi ko siya pinandirihan, inaring tunay kong magulang.

Matatawag ba akong mukhang pera dahil sa pagluwas ko ng Pilipinas? Noong nawala siya binigyan ako ng kanyang pamilya ng pamana, enough reason para ‘wag na ako bumalik sa Taiwan at mamuhay ng maayos sa ating lugar. Ngunit bakit ako andito?

2nd patient ko untill now, cancer patient. Taken in ICU.

Bakit ako bumalik? Dahil sa kanya, may binitiwan akong salita na ako rin ang mag-aalaga at mag-aaruga. Kung pera ang dahilan makakahanap sila ng de kalidad na nurses or caregiver na kalahi nila mismo para mag-alaga sa kanya ngunit bakit ako ang kanilang pinili, isa lang dahilan PAGMAMAHAL na pinakita ko sa kanilang magulang.

Anumang okasyon na pupuntahan ni Yiyeh kasama ako lagi. Never ko naramdaman ang maging outcast sa kanya.

Itinuring nila akong hindi iba, totoong kapamilya.



Ang hirap iwan ng pamilyang iyong minamahal, hindi rin madali talikuran ang trabahong iyong nakasanayan at mas napakahirap isantabi ang nakagisnan mong prinsipyo sa buhay. Ito ang mga unang pagsubok sa yugto ng pagiging OFW.
Lagyan nating ng sustansiya ang isinulat na artikulo. MUKHANG PERA, yan ang salita na umukilkil sa kanyang imahinasyon. Sige, aminin na rin natin na lumuwas tayo para sa pera at para lang magkapera. Ang tanong ko ngayon makatwiran bang ilagay iyon sa kanyang blog?
Lahat ng lumuluwas ng bansa may mga pangarap na gustong maabot, mga bagay na gustong maibigay sa kanilang minamahal at para sa maunlad na kinabukasan. Sa unang salta mo sa abroad ang nasa isip mo pamilya, pamilya, pamilya. Kaya mong ibuwis ang buhay para sa kanila, kaya mong kalimutan ang pansariling kaligayahan kung ang kapalit noon ang katuparan ng kanilang pangarap. Personally, bakit ba ako nag abroad? dahil gusto kung mabigyan ng magandang edukasyon ang kapatid ko at mga pamangkin. Magkaron ng disenteng tirahan, at makatulong aking magulang. Naabot ko na siguro iyong goal ko para sa kanila ngunit bakit andito pa rin ako sa labas ng bansa?
Hindi na pera ang dahilan kundi pagmamahal sa pasyenteng aking inalagaan. Sa tagal ng oras at panahon na ginugol ko sa kanya itinuring ko ng tunay na pamilya. Hindi na salapi ang rason bakit ako andito sa Taiwan kundi pagtupad sa pangakong aking binitiwan na mananatili ako sa tabi nya hanggang siya ay pumanaw. Ang aking inaalagaan ay isang kanser patient, anytime pwede siya mawala. Pagmamahal ang nangingibabaw bakit ako nanatili hindi pera.


15 Comments

  1. Jee September 1, 2009
  2. Lord CM September 1, 2009
  3. bizjoker-of-the-philippines September 1, 2009
  4. Mr. Thoughtskoto September 1, 2009
  5. batang'henyo September 1, 2009
  6. The Pope September 1, 2009
  7. Ruel September 1, 2009
  8. Desert Aquaforce September 1, 2009
  9. I am Xprosaic September 2, 2009
  10. Everlito (ever) Villacruz September 2, 2009
  11. A-Z-E-L September 3, 2009
  12. taympers September 5, 2009
  13. Rej September 10, 2009
  14. isladenebz September 13, 2009
  15. Yellow Bells November 26, 2009

Leave a Reply