Sponsored Links
Advertisement

Pahina


Nakakabagot
Ang pagbuklat
Ng bawat pahina
Ng aking sinulat
Ang bungad ay masayaPuno ng pag-asa
NakangitiTumatawa
Ang bawat taludtud, Emosyong sanga-sanga,NangangapaSa takipsilim
Ang indayog ng bawat kabanata,Sinasabayan ng musika,Mabagal o mabilis na tempo,Kakayanin, hindi tatakbo.
Ang tangkay ng dahon,NalalagasKatulad ng kandilangNaupos sa aksaya
Saklaw ng pahinaAng banayad na ligayaAng lalim ng kirotNg pusong umasa
Luha’y mistulang tintaSa papel na hawakKusang dumadaloySa impit na paghinga
Ang pahina ng buhayTuloy ang pangungusapIba’t ibang bantas ang gagamitinAng tuldok ay malayo pa.


9 Comments

  1. A-Z-E-L September 23, 2009
  2. Lord CM September 23, 2009
  3. EǝʞsuǝJ September 24, 2009
  4. Bhing September 24, 2009
  5. Bhing September 24, 2009
  6. Bhing September 24, 2009
  7. Everlito (ever) Villacruz September 24, 2009
  8. RUEL September 24, 2009
  9. SCOFIELD JR. September 25, 2009

Leave a Reply