Sponsored Links
Advertisement

Laro ng Pag-ibig


Sa kabilang dako:

Nakikinig ng awitin sa kwarto,
Pilit kinakapa ligaya sa puso,
Inaapuhap ang natigmak na bugso,Ng damdamin noon ay tuliro.

Sinasabayan ang saliw ng musika,Sa bawat kumpas umiindak ang paa,Sasayaw bang tuluyan o makikinig sa nagmamanipula?Luha ba talaga ang kapalit ay ligaya?

Pangakong idinudulog sa paanan,
Sumpang pag-uwi magsasamang masaya,
Buong puso bang tatanggapin?
O sumabay sa larong gustong tahakin?

Sa kabilang ibayo:
May isang dilag, umaasa sa pangako,
Walang alam sa tunay at totoo,
Pilit ikinikintal sa isip nag-iisa sa puso,
Ang nakaraan ay isa lamang na kahapon.

Pinanghahawakan ang sumpaan,Pagbalik siya lang ang uuwian,
Magsasama hanggang sa dapithapon,
Ipaglalaban at iingatan sa kahit anong hamon.

Ang realidad:

Dalawang nilalang ang umaasa at pinapaasa,
Nagtatampisaw sa malapit at malayong ligaya,
Saan hahantong ang ganitong sistema?Kung bawat isa gustong sumugal sa abot kaya.

(Paunawa: likha lamang ng malikot kong imahinasyon)


8 Comments

  1. A-Z-E-L January 7, 2010
  2. Bhing January 7, 2010
  3. Dhianz January 7, 2010
  4. Bhing January 8, 2010
  5. Ching January 8, 2010
  6. Bhing January 8, 2010
  7. Ching January 8, 2010
  8. Bhing January 8, 2010

Leave a Reply