Sponsored Links
Advertisement

Diyosa Sa Panaginip




Liwanag na nanggaling sa bintana, alindog mo’y nasilayan,
Matang mapanglaw naakit ang aking katauhan,
Maitim at mabangong buhok samyu ng mahinhing kabanguhan,
Kakaibang magnetismo binuhay aking kamalayan.

Bituing kayrami makikita sa kalawakan,
Singdami ng buhangin sa dalampasigan,
Ibon lumabas sa kuwebang pinagtataguan,
Ika’y inaaliw, nililibang at inaawitan.

Masasalamin sa mukha payapang kalooban,
Mabangis na hayop, napapaamo sa mayuming kagandahan,
Tinig mo’y tumatagos, sumasagad sa kaibuturan,
Dinaing na kaligayahan ngayon ay natagpuan.

Ala maniking pisngi, sa labi may nakaguhit na saya,
Ngiting kayganda, dulot aliw at ligaya,
Pinong kilos larawan ng kagalang-galang na dalaga,
Sana ito n ang simula ng buhay na mapayapa.

Katulad ng puso hugis ng iyong mukha,
Isinaboy sa Parang pag-ibig na dakila,
Nang ika’y nililok binantayan ng Bathala,
Upang maging perpekto sa paningin ng madla.

Ika’y kumaway, ako’y inanyayahan,
Dinala sa Paraiso ng kalawakan,
Nakita ko mga anghel nag-aawitan,
Buong galak sila pumupuri nag-aawitan.

Mahiwagang pinto gusto kong puntahan,
Ngunit ‘di ako makalapit at kinakabahan,
Umihip ng hangin nanuot sa aking pakiramdam,
Ikaw pala’y Dyosa sa panaginip lamang.


12 Comments

  1. Bino February 2, 2011
  2. empi February 2, 2011
  3. Bhing February 2, 2011
  4. Bhing February 2, 2011
  5. Ishmael Fischer Ahab February 2, 2011
  6. ISTAMBAY February 2, 2011
  7. Athena February 2, 2011
  8. Bhing February 2, 2011
  9. Bhing February 2, 2011
  10. Bhing February 2, 2011
  11. nortehanon February 3, 2011
  12. Bhing February 3, 2011

Leave a Reply